^

Bansa

Go sa publiko: Sa inyong kooperasyon, maraming maililigtas na buhay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ideklara ni Pangulong Duterte na isailalim muli ang Metro Manila at ilang karatig lugar sa modified enhanced community quarantine (MECQ), umapela si Sen. Bong Go sa taongbayan na makipagkooperasyon o sumunod sa mga atas ng pamahalaan para sila’y mailigtas at ang buhay ng iba sa harap ng patuloy na paglobo ng mga nahahawahan ng COVID-19.

Hiniling din ni Go sa Inter-Agency Task Force For The Management Of Emerging Infectious Diseases (IATFEID) at National Task Force (NTF) na estriktong ipatupad ang mga kinakailangang hakbang para masugpo na ang pagkalat ng COVID-19.

Idiniin din niya na ang mga local government unit ay dapat na paigtingin ang localized lockdown strategy at implementasyon ng “Oplan Kalinga” para matulungan ang health workers sa paghahanap sa COVID-19 cases.

Nakiusap si Go sa taongbayan na makiisa at estriktong sundin ang health at safety protocols na palaging isinasaisip na ang pagsunod ay makapagliligtas ng buhay ng marami nating kababayan.

“The fight against this pandemic begins in us and in our homes. It all starts by properly wearing the right face masks, observing physical distancing and proper hygiene, and avoiding non-essential travels,” sabi ni Go.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with