^

Bansa

'Duterte Youth' Cardema ibinalik sa National Youth Commission

James Relativo - Philstar.com
'Duterte Youth' Cardema ibinalik sa National Youth Commission
Makikitang naka-face mask at nakataas ang hinlalaki ng kontrobersyal na Duterte Youth party-list nominee matapos manumpa bilang bagong assistant secretary ng National Youth Commission (NYC), bagay na dati niyang pinamunuan
Mula sa Facebook ni Calamba Mayor Justin Marc Chipeco

MANILA, Philippines —  Kahit kwinestyon na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang edad, muling makakasama sa pamunuan ni Ronald Cardema ang komisyon ng gobyerno na kumakatawan sa sektor ng kabataan.

Lunes kasi nang ianunsyo ni Calamba Mayor Justin Marc Chipeco na nanumpa bilang assistant secretary ng National Youth Commission si Cardema.

"Isang Calambeño ang naluklok sa national government bilang assistant secretary ng National Youth Commission," ani Chipeco.

"Pinili po niyang manumpa sa tungkulin — August 3, 2020 sa ating lungsod."

Isang Calambeño ang naluklok sa national government bilang Assistant Secretary ng National Youth Commission.  Congratulations Asec. Ronald Cardema. Calamba City is very proud of you!

Posted by Atty. Justin Marc SB. Chipeco on Sunday, August 2, 2020

Kwestyon sa edad ng Comelec

Ika-5 ng Agosto, 2019 nang kanselahin ng Comelec First Division ang nominasyon ni Cardema, dating NYC chair, matapos niyang aminin na 34-anyos na siya nang tumakbong nominado ng Duterte Youth party-list — isang maka-kanan at anti-komunistang grupong loyalista ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng Section 9 ng Republic Act 7941, o "Party-list System Act," hindi maaaring lumampas ng 30-anyos sa araw ng eleksyon ang mga nais maging kinatawan ng sektor ng kabataan sa Kamara. Inamin mismo ni Cardema na siya'y 34-anyos na.

"In case of a nominee of the youth sector, he must at least be twenty-five (25) but not more than thirty (30) years of age on the day of the election. Any youth sectoral representative who attains the age of thirty during his term shall be allowed to continue until the expiration of his term."

Pormal na inanunsyo ng Comelec En Banc na hindi pauupuin bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list si Cardema noong Pebrero 2020 dahil sa naturang paglabag, kahit na nanalo pa ng isang posisyon sa Kamara ang kanilang grupo.

May kaugnayan: Cardema ekis bilang Duterte Youth rep, rehistrasyon ng grupo pagpapasyahan pa

"@COMELEC En Banc decision: Diskwalipikado si Ronald Cardema bilang nominado ng Duterte Youth ; masyado na siyang matanda," sabi Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa isang tweet sa Inggles, Huwebes.

Sinubukan pang ilusot nina Cardema na hindi sila sakop ng age requirement ng Comelec sa dahilang "youth and professionals" daw ang kanilang kinakatawan, bagay na hindi kinagat ng komisyon.

Hindi 'youth' pero pwede sa NYC

Gayunpaman, pasok pa rin ang edad ni Cardema sa panuntunan ng NYC ayon sa Republic Act 8044, o ang batas na lumilikha ng naturang komisyon. 'Yan ay kahit sinasabi ng Section 2 nito na hanggang 30-anyos lang ang maituturing na kabataan.

Sa Section 7 kasi ng batas, sinasabing pwede ang mga hanggang 40-anyos para sa mga appointive commissioners ng NYC. Ang appointive commissioners ay may ranggo at pribilehiyo ng assistant secretary ng isang kagawaran.

"The Chairman shall not be more than forty-five (45) years of age, and the appointive commissioners no more than forty (40) years of age, at any time during their incumbency; natural-born citizens of the Philippines; have occupied positions of responsibility and leadership in duly registered youth and youth-serving organizations or institutions; of good moral character; and not have been convicted of any crime involving moral turpitude."

COMMISSION ON ELECTIONS

DUTERTE YOUTH PARTY-LIST

NATIONAL YOUTH COMMISSION

RONALD CARDEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with