^

Bansa

#WalangPasok: Eid'l Adha idineklarang regular holiday para bukas

Philstar.com
#WalangPasok: Eid'l Adha idineklarang regular holiday para bukas
Makikitang nagdarasal nang mataimtim ang babaeng Muslim na ito habang ipinagdiriwang ang banal na pista
File

MANILA, Philippines — Isang araw bago ang pista, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang "regular holiday" ang ika-31 ng Hulyo kaugnay ng Eid'l Adha, o Feast of Sacrifice.

"NOW, THEREFORE, I, RODRIGO ROA DUTERTE, President of the Philippines by virtue of the powers vested in me by law, do hereby declare Friday, 31 July, 2020, a regular holiday throught the country, inobservance of Eid'l Adha," sabi ni Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 985.

Ang dokumento ay pinirmahan din ni Executive Secretary Salvador Medialdea at kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque sa pamamagitan ng state-owned media na People's Television (PTV), Huwebes.

Maliban sa Eid'l Fitr, isa ang Eid'l Adha sa mga pinakamahahalagang araw para sa mga nagpa-practice ng relihiyong Islam, bagay na kumikilala sa kahandaan ni propetang Ibrahim (Abraham) na isakripisyo ang anak na si Ismael bilang pagsunod sa utos ng Diyos.

Maraming Muslim ang nagtutungo sa Mecca ang sa araw na ito upang ipagdiwang ang naturang holiday ngunit kasalukuyang naaantala dahil na rin sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kaugnay niyan, una nang sinabi ng tanggapan ng alkalde ng Lungsod ng Cotabato na hindi papayagan ang mga outdoor prayers sa pagdiriwang ng araw na ito. Gayunpaman, papayagan ito sa mga mosque, gusali at iba pang saradong espasyo alinsunod sa mga quarantine restrictions.

"Worshippers should wear masks and observe social distancing while participating in Eid’l Adha prayers in mosques and other buildings where it can be done," ayon kay Cotabato Mayor Cynthia Guiani-Sayadi.

Dahil regular holiday ang araw na ito, buong makukuha ng mga empleyado ang sahod nila bukas (basic pay + cost of living allowance) kahit na hindi magtrabaho.

"For work performed on a regular holiday, plus 100% or a total of 200% of the employee’s daily wage rate (Basic pay + COLA)," ayon sa mga panuntunan ng Department of Labor and Employment (DOLE). — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Christina Mendez

EID'L ADHA

ISLAM

REGULAR HOLIDAY

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with