^

Bansa

DOH dismayado sa pagsiksik ng mga 'stranded' sa Rizal Memorial; COVID-19 suspects doon 9 na

Philstar.com
DOH dismayado sa pagsiksik ng mga 'stranded' sa Rizal Memorial; COVID-19 suspects doon 9 na
Nagpapahinga sa mga bleachers ng football stadium ng Rizal Memorial Sports Complex ang libu-libong locally stranded individuals na ito
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Imbis na makatulong, tila ikinapahamak pa raw ng mga locallly stranded individuals (LSIs) ang pagtipon sa kanila ng gobyerno sa Rizal Memorial Sports Stadium kamakailan, bagay na lumabag sa physical distancing kontra coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH), Lunes.

Kumalat kasi nitong weekend ang litrato ng mga stranded individuals, kung saan libu-libong LSIs ang dikit-dikit at napilitan nang matulog sa bleachers ng stadium. Marami sa kanila ay bata o sanggol pa.

Basahin: LOOK: Stranded individuals cramped up inside Rizal Memorial Sports Complex

“Nakakalungkot na nangyayari ito. We have relayed protocol sa specific  agencies, reminders na bawal ang mass gathering, pero nangyayari pa rin ito sa ating mga kababayan," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

"Bawal ang mass gathering, kahit saan, iyan po dapat ang pinakamahigpit na pinatutupad, kasama iyong minimum health standards [na] dapat nasusunod."

Ang mga nasabing LSI ay benepisyaryo sana ng second batch ng "Hatid Tulong" program ng gobyerno, na siyang magbabalik sana sa kanila sa kanya-kanyang probinsya habang may pandemya.

Ang masaklap nga lang, walo hanggang siyam sa 4,000 LSIs sa sports complex ang sinasabing COVID-19 suspects, matapos magpositibo sa rapid test, ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, Lunes.

May kinalaman: 8-9 stranded individuals at Rizal Memorial stadium suspected to have COVID-19

Ayon pa kay Encabo, napilitan silang ilagay sa stadium ang libu-libong katao matapos nilang mapansin na nagbabadya ang malakas na pag-ulan.

"Because of unavoidable circumstances, it’s a decision of choosing lesser evil and we really have to give them the shelter and temporary refuge," sabi niya.

"That’s the least that we could do, somehow that’s the best that we could offer because we have to protect these LSIs on the heavy downpour and at the same time he intense heat of the sun while waiting outside."

Ani Vergeire, pinaabutan na nila ng mensahe ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang mga ahensya para mapag-usapan ng COVID-19 task force ang isyu.

Sa huling taya ng DOH noong Linggo, lampas 80,000 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas habang halos 2,000 sa kanila ang pumanaw na. — James Relativo at may mga ulat mula kay kristine Joy Patag

BALIK PROBINSYA

NOVEL CORONAVIRUS

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SOCIAL DISTANCING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with