^

Bansa

140,000 COVID-19 cases sa Pilipinas ibinabala ng ilang eksperto pagkatapos ng Agosto

Philstar.com
140,000 COVID-19 cases sa Pilipinas ibinabala ng ilang eksperto pagkatapos ng Agosto
Kahit masungit ang panahon, daan-daan ang pumipila asa libreng COVID-19 testing na isinasagawa ng Maynila sa Quirino Grandstand. Ang ilan, natulog na sa kanilang mga sasakyan o nagtayo ng kani-kanilang tent, masuri lang.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dahil sa walang-puknat na pagdami pa rin ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas, tinataya ng ilang mananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas na halos daanglibo't kalahati ang magiging infections bago matapos ang buwan ng Agosto.

Sa panayam ng dzMM Teleradyo, sinabi ni Guido David ng UP OCTA Research Group, na baka pumalo ito ng 90,000 sa katapusan bago mag-Biyernes at lalo pang mamamayagpag sa susunod na buwan. 

"Ang projection namin ngayon for end of August, mga 140,000 ito... Karamihan noon, nasa [National Capital Region]," banggit ni David, Lunes nang umaga.

"Ang trend na nakita namin, pataas nang pataas eh... Siguro subukan muna natin mapababa to 1,000 new cases per day, tapos 500 new cases per day."

Nitong mga nakalipas na araw at linggo, normal na 1,000 hanggang 2,000 mahigit ang arawang naidadagdag sa talaan ng mga kaso.

Kahapon lang nang pumalo sa 80,4468 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, kasama ang halos 2,000 patay, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH).

Bagama't hindi pa bumababa ang trend ng viral infections sa kabuuan ng bansa, napansin naman nina David na nafa-flatten na ang curve sa Cebu, bagay na hindi raw nakikita sa NCR at CALABARZON.

Aniya, malaki raw ang nagawa ng pagdedeklara ng mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City kung kaya't nakokontrol na ang pagdami.

"Kung hindi natin mapapabagal ang kaso, mao-overwhelm 'yung ating mga hospitals ngayon eh. Actually halos puno na 'yung kramihan 'yung mga private hospitals, hindi na tumatanggap eh. Mga public hospitals na lang yata 'yung mga available," dagdag pa niya.

Aniya, bagama't hindi pa nila inirerekomenda, lumalabas na baka makatulong diumano kung ibabalik sa mas malalang lockdowns ang bansa bilang "last resort," maliban kung magkakaroon nang mas magandang ideya ang gobyerno.

Noong ika-22 ng Hulyo ay sinabi pa lang ni presidential spokesperson Harry Roque na maaaring ibaba ang mga ECQ at modified ECQ sa Metro Manila kung aabot sa 85,000 ang mga kaso sa pagtatapos ng Hulyo.

Basahin: NCR balik striktong lockdown kung COVID-19 cases umabot sa 85,000 ngayong Hulyo

Panahon ng talamak na ECQ, sinasabing nasa 200 lamang kada araw ang naidadagdag sa mga kaso, hanggang sa pumalo nang libu-libo nang ibaba ang mas maluwag na general community quarantine (GCQ) at modified GCQ, bilang tugon sa matinding tama ng lockdowns sa ekonomiya.

Bagama't na-oobserbahan ang pagbaba ng mortality rate o tantos ng mga namamatay sa COVID-19 sa bansa, mabagal pa rin daw ang reporting ng DOH. Sa pagtataya ng UP OCTA Research, merong two-week delay sa reporting. — James Relativo

NOVEL CORONAVIRUS

RESEARCH

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with