^

Bansa

Mga ospital nasa ‘danger zone’ na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga ospital nasa ‘danger zone’ na
Sinabi ni Health Un­dersecretary Maria Rosario Vergeire, nanga­ngahulugan ito na nasa 70 porsyento na ang okupadong ospital at ICU beds para sa COVID patients.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inamin ng Department of Health (DOH) at Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) na nasa ‘danger zone’ na ang kapasidad ng mga pagamutan sa bansa na laan para sa mga pasyente na dinapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Health Un­dersecretary Maria Rosario Vergeire, nanga­ngahulugan ito na nasa 70 porsyento na ang okupadong ospital at ICU beds para sa COVID patients.

Ito’y makaraang iha­yag ng St. Luke’s Me­dical Center at Makati City Medical Center na umabot na sa 100% full capacity ang kanilang ICU kaya nakiusap sa pamilya ng mga COVID patients na huwag munang isugod sa kanila ang mga ito.

Nasa 20% capacity ng gov’t hospitals at 9% sa mga private lang ang inisyal na inilaan para sa mga pasyente ng COVID-19.

Sinabi naman ni PHAP president Dr. Rustico Jimenez na 100% ng 400 pribadong ospital sa Metro Manila ang uma­bot na sa ‘full capacity’ ang COVID-19 isolation beds.

Hindi naman umano kayang ibigay ng mga pribadong pagamutan ang 30% ng kanilang kapasidad dahil ma­nganganib naman ang kanilang healthcare workers.

“Marami po yung healthworkers natin natatamaan ng COVID. Magpapahinga ng 14 days, kinukulang tayo ng healthworkers kaya di rin natin mapoprovide yung 30 percent,” ayon kay Jimenez.

Kasalukuyang ina­abisuhan ang mga pas­yente na may mild cases at asymptomatic na sa mga quarantine centers ng pamahalaan na magtungo para matutukan naman ng mga pribadong ospital ang pagpapaga­ling sa mga pasyente na may malubha o kritikal ang kalagayan.

DEPARTMENT OF HEALTH

HOSPITALS

PHAPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with