^

Bansa

DOLE dapat bigyan ng ayuda ang ABS-CBN employees na nawalan ng trabaho

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
DOLE dapat bigyan ng ayuda ang ABS-CBN employees na nawalan ng trabaho
Ayon kay CT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo, ‘moral obligation’ ng DOLE na bigyang ayuda at trabaho ang mga apektadong empleyado lalo pa’t may kinakaharap na COVID-19 pandemic ang bansa.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Makaraang hindi payagan ng Kongreso ang renewal sa prangkisa ng ABS-CBN, umapela si ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo sa Department of Labor and Employment (DOLE)  na maglaan ng cash aid at job-matching assistance sa mahigit 11,000 ABS-CBN employees na naapektuhan.

Ayon kay Tulfo, ‘moral obligation’ ng DOLE na bigyang ayuda at trabaho ang mga apektadong empleyado lalo pa’t may kinakaharap na COVID-19 pandemic ang bansa.

Aniya, marami nang nagsarang kumpanya kaya’t lalong mahihirapang maghanap ng trabaho ang mga taga-ABS-CBN lalo pa yung mga may edad na.

Sa katunayan aniya, ipinapanukala niyang isali ang mga displaced ABS-CBN workers sa kasaluku­yang ipinaiiral na one-time cash assistance ng DOLE.

Paliwanag ni Tulfo, hindi dapat na maging hamon sa DOLE ang P5,000 cash aid sa mga empleyado dahil mayroong $7.8 bilyong loans and bonds ang Department of Finance.

JOCELYN TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with