Libreng COVID-19 mass testing ipinetisyon sa Korte Suprema
MANILA, Philippines — Sa pangunguna ni dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, nasa 11 indibidwal ang nanawagan sa Korte Suprema na utusan ang gobyerno na magsagawa ng libreng mass testing at paglalabas ng makatotohanan at napapanahong impormasyon hinggil sa sitwasyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Naghain ng "Petition for Mandamus" sina Taguiwalo at sampung iba pa, Biyernes, upang utusan ang Gabinete na magsagawa ng mass testing, lalo na't paglabag diumano sa karapatan sa kalusugan at impormasyon diumano ang nagyayari ngayon.
Sinamahan ng mga doktor, molecular biologist, dating migranteng manggagawa, tsuper ng jeep, manggagawa, ina at estudyante ang dating kalihim ng DSWD.
"Petitioners assert that it is the obligation and duty of the government, through its agencies, instrumentalities and agents such as herein respondents, to protect the Filipinos’ right to health which is necessary to one’s fundamental right to life," ayon sa kanila.
Maliban sa "proactive" na magsusuri, panahon na rin aniya ng episyenteng contact tracing, isolation at epektibong gamutan ng positive cases.
Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na "walang mass testing" program ang gobyerno, at meron lang "expanded targeted testing."
Basahin: Palace: Don't say 'mass testing', we can't test everybody
Target ng pamahalaan na ma-test para sa nakamamatay na virus ang 1.5% hanggang 2% ng 110 milyong populasyon ng Pilipinas. Gayunpaman, 696,765 pa lang ang nate-test ng para sa COVID-19, ayon sa huling datos ng Department of Health.
Ilan sa mga tinutukoy na respondent sa kaso ay ang sumusunod:
- Health Secretary Francisco Duque III
- Cabinet Secretary Karlo Nograles
- Defense Secretary Delfin Lorenzana
- Interior Secretary Eduardo Año
- Transport Secretary Arthur Tugade
- Budget Secretary Wendel Avisado
- Peace Adviser Carlito Galvez, also chief impelementer of the National Action Plan against COVID-19
- Labor Secretary Silvestre Bello III
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Duque sampu ng ilang opisyales ng DOH dahil sa diumano'y liability nila sa tugon laban sa pandemya.
May kinalaman: Ombudsman investigates Duque, DOH officials over COVID-19 response
Sa kabila nito, patuloy ang pagdedepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hepe ng DOH hinggil sa isyu, habang iginigiit na walang katiwaliang ginagawa ang kanyang tao.
Lockdown at 'paglabag sa karapatan'
Dagdag pa ng petitioners, patuloy aniya ang paglabag sa karapatan sa kalusugan dahil sa tipo ng pagpapatupad ng community quarantine — ang pinakamatagal na sa mundo.
Ika-15 ng Marso nang unang ipatupad ang community quarantine, hanggang sa dahan-dahan itong luwagan. Dahil sa lockdown, milyun-milyon ang nakakulang lang ngayon sa bahay, maliban sa mga gumagawa ng "essential" o importanteng bagay.
"This petition raises violations of the rights to health by the continuing imposition of community quarantine without any clear plan to conduct mass testing, contact tracing, treatment and isolation as a precondition to the safe reopening of spaces," dagdag pa nila.
"[T]here is palpable breach of the right to health arising from the continuing community quarantine without any concrete action on the part of the government to conduct mass testing, contact tracing, treatment and isolation. Its refusal to provide complete, accurate and timely data also violates the petitioners’ right to information."
Maliban sa "kulang-kulang," misleading din daw aniya ang mga datos na inilalabas ng DOH. Dapat din daw isama ng mga sumusunod na datos sa mga ulat para makagawa ng mas mahusay na epidemiological model: simula ng sintomas, kasaysayan ng exposure, co-morbidities atbp.
"Delayed reporting provides a false sense of security that the number of cases is falling. It also fails to paint an accurate picture of the crisis. It lends credence to charges of covering up incompetence and inefficiency," saad pa ng grupo.
Umabot na sa 38,805 ang kabuuang bilang ng nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinasm, ayon sa DOH. Sa bilang na 'yan, 1,274 na ang sinasabing namatay sa virus. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag
- Latest