^

Bansa

Crackdown sa mga ‘jumper’ sa Iloilo City pinaigting

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga nasa likod ng pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City na tinuring nito bilang isa nang “organized business” na pananagutin ito sa batas.

Ang banta ay ginawa ni Treñas matapos mahuli sa akto ang dalawang suspek na sina Nazareno Pagayon, 54, isang barangay tanod at Jason Mark Gualin, 26, kapwa residente ng Brgy. Yulo Drive, Arevalo, Iloilo City, na nagtatanggal ng electric meter ng More Electric and Power Corp.

Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong Anti-Pilferage of Electricity Act and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994.

Upang hindi na makasuhan, hinimok ni Treñas ang mga mayroon pa ring illegal connection na itigil na ito at mag-apply ng kanilang sariling electric meter sa pamamagitan ng iKonek program,isang kasunduan na pinasok ng lungsod sa pagitan ng More Power na nakatuon para tulungan ang mga informal settlers sa kanilang pagpapakabit ng linya ng kuryente. 

Sa ilalim ng iKonek Program, nangako ang More Power na sa loob ng 10-12 araw tapos na ang proseso ng kanilang aplikasyon, mayroon umanong One Stop Shop para hindi magpabalik-balik sa pagsusumite ng mga requirements.

Sa report ng More Power, sa loob ng isang araw ay 2-3 report ng illegal connections ang kanilang natatanggap kaya mas pinaigting nila ang surveillance ng kanilang mga security personnel para mahuli ang mga nagnanakaw ng kuryente at ang mga nagtatangkang isabotahe ang kanilang operasyon.

Sinabi ni More Power President Roel Castro na aktibo nilang sinusu­yod ang mga organized jumpers na nag-o-ope­rate sa Ilo­ilo City na siya umanong dahilan kung bakit mataas ang system loss na nagreresulta sa mataas na singil sa kur­yente at overloading sa distribution system.

Natukoy ng More Po­wer na mayroong 30,000 illegal connections sa lalawigan na kung susumahin umano, kung ang buong lalawigan ay 100 megawatts ang kunsumo sa isang araw, nasa 20 megawatts ang nakukunsumo ng mga jumpers.

JERRY TREñAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with