^

Bansa

'Good news': Gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas lampas 8,000 na

James Relativo - Philstar.com
'Good news': Gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas lampas 8,000 na
Binabantayan ng gwardyang ito ang mga parokyano ng isang kainan sa Lungsod ng Quzon, ika-15 ng Hunyo, habang pinaaalalahanan ang lahat ng sumunod sa "physical distancing" para makaiwas sa COVID-19 transmission
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (6:55 p.m.) —  Bagama't tuloy-tuloy ang pag-akyat ng mga kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas, umariba rin ang mga tuluyang gumaling mula sa kinatatakutang sakit mula sa Wuhan, China.

Sa taya ng Department of Health, Lunes, pumalo na kasi ito sa 8,143 matapos umangat nang 250 ang bilang ng total recoveries sa bansa.

Ibinalita 'yan ng ahensya kasabay ng pag-abot ng kaso sa 30,682 ngayong araw — mas mataas nang 630 mula sa datos kahapon.

Naitala ang resulta ng mga panibagong COVID-19 cases mula sa 467 "fresh" at 163 "late" cases na naibahagi sa pasyente sa nakalipas na tatlong araw at apat na araw pataas.

Sa mga fresh cases, pinakamarami ito ngayong araw sa Central Visayas (Region 7), kung saan naiulat ang 164 bagong kaso. Matatandaang nasa Cebu City ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, na nasa 3,733 kahapon.

Sa kasawiang-palad, patay naman sa sakit ang walo pang kaso, dahilan para sumipa ang total local death toll sa 1,177.

Ngayong Lunes ang ika-100 araw simula nang ideklara ang "community quarantine" sa Metro Manila, na lumawak sa buong Luzon hanggang buong bansa laban sa nakamamatay na pathogen.

Ipinagmamalaki ngayon ng Palasyo ang pagsisikap ng gobyerno na ma-contain ang virus, at iginigiit na "nakapagligtas ng 900,000 buhay" ang Pilipinas dahil sa sari-saring lockdowns na ipinataw ng pamahalaan.

"We probably saved 99,000 lives dahil mahigit-kumulang 1,000 pa lang ang namamatay dito sa ating bayan," ani presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing kanina.

"Ikumpara niyo po 'yan sa Estados Unidos, sa Spain, sa Italy. Talagang makikita niyo naman po na napakaraming buhay ang nasalba dahil dito sa ating [enhanced community quarantine]."

Physical distancing pero socially connected?

Kahit na ipinag-uutos ngayon ng gobyerno ang pisikal na paglalayo ng mga tao ngayong may COVID-19 crisis, ilang eksperto naman ang nagsasabing hindi ito dapat mangahulugan ng emosyonal na pagkakalayo sa mga dating madalas makasalamuha.

Sa virtual briefing ng DOH, sinabi ni Niña Castillo-Carandang mula sa Department of Clinical Epidemiology ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila na mahalaga ang pagmamayntini ng kuneksyon sa kapwa-tao sa ngayon.

"[Idinidiin natin] ang kahalagahan po ng 'social connectivity' and 'physical distancing," banggit ni Castillo-Carandang lalo na't nagpapatupad ng mahihigpit na quarantine measures ang gobyerno sa mga mamamayan.

"Sa panahon nga po ngayon na hindi po tayo katulad nang dati... pwede ho tayong magkamustahan online. Ginagawa ho 'yan nang maraming grupo, magkakapamilya, magkaka-opisina."

Marami na kasi sa ngayon ang tila buryong-buryo o mentally exhauted mula sa isolation sa bahay, dahilan para malungmok sa kalungkutan ang marami.

Nariyan naman aniya ang telepono, text at social media. Maaari rin daw na manuod ng radyo at telebisyon upang matiyak na may kuneksyon pa rin ang mga tao sa "outside world."

Ayon sa World Health Organization (WHO), umabot na sa 8.7 milyon ang kaso ng COVID-19 sa mundo, na may 461,715 binawian ng buhay.

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

RECOVERIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with