^

Bansa

SWS: 83% ng Pinoy 'sumama ang pamumuhay' sa nakalipas taon, record-high sa kasaysayan

James Relativo - Philstar.com
SWS: 83% ng Pinoy 'sumama ang pamumuhay' sa nakalipas taon, record-high sa kasaysayan
Tumatanggap ng ayudang pagkain mula sa DSWD ang mga jeepney driver na ito sa Tandang Sora Jeep terminal, ika-16 ng Hunyo, 2020, matapos hindi payagang pumasada sa gitna ng quarantine measures ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kalakhan ng mga Pilipino ang lumala ang estado ng buhay sa nakaraang 12 buwan — 'yan ay kung paniniwalaan ang resulta ng mobile survey ng Social Weather Stations, Huwebes nang umaga.

Isinagawa ang pag-aaral habang dumaranas sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic at mga lockdown ang iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

"The special Social Weather Stations (SWS) Covid-19 Mobile Phone Survey, conducted from May 4-10, 2020 among working-age Filipinos, found 83% saying their quality of life got worse... versus 10% saying it was the same... and only 6% saying it got better... compared to a year ago,"  sabi ng SWS.

Ang 83% na ito ang pinakamalaking porsyento ng mga Pilipinong lumala ang estado ng pamumuhay simula nang mag-survey tungkol sa mga "net gainers" noong April 1983.

Naungusan na nito ang huling record ng losers (mga sumama ang pamumuhay) na 62% noong Hunyo 2008. All-time low  din ang bilang ng gumanda ang buhay (gainers), at binasag ang huling record na 9% noong Hulyo 1985.

Kung iaawas ang bilang ng gainers sa mga losers, lumalabas na -78 ang "net gainers" para sa Mayo 2020, na malaking pagbulusok mula sa +18 noong Disyembre 2019.

"[This] is the worst in survey history, breaking the previous record low –50 in June 2008," dagdag ng grupo. Pasok ito sa klasipikasyong "extremely low" ng SWS.

"The negative May 2020 score, however, is a break from the positive trend of the past 5 years. Of the 20 observations between March 2015 and December 2019, 19 were positive. Notably, this already accounts for 90% of all positive scores recorded by SWS."

Nitong Abril, matatandaang naitala rin ang "record-high" unemployment rate sa Pilipinas na 17.7%, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Mula 2.3 milyong walang trabaho noong Abril 2019, tumaas kasi ito patungong 7.3 milyon, bagay na iniuugnay sa mga tanggalan sa trabaho dahil sa COVID-19 lockdown. 

'Record-low sa lahat ng lugar'

Ang nationwide net gainers score na -78 ay resulta ng mabababang resulta sa lahat ng lugar sa bansa.

"Scores in all areas dropped to all-time low figures when compared to previous SWS surveys of adults," sabi pa ng SWS.

Narito ang net gainers score sa iba't ibang panig ng bansa:

  • Balance Luzon (-75)
  • Metro Manila (-77)
  • Visayas (-82)
  • Mindanao (-80)

Noong Disyembre 2019, +14 ang puntos ng Visayas bago bumulusok papuntang -82 noong Mayo 2020, na pinakamababa sa buong Pilipinas. 

Masama rin ang net gainers score sa mga inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ) areas. sa puntos na -77 at -78.

Noong isinagawa ang pag-aaral, nasa ilalim pa ng ECQ ang National Capital Region, Region III (maliban sa probinsya ng Aurora), Region IV-A, probinsya ng Benguet, probinsya ng Pangasinan, probinsya ng Iloilo, probinsya ng Cebu, Bacolod City at Lungsod ng Davao.

Nasa ilalim naman ng GCQ ang mga nalalabing hindi nabanggit na lugar.

Isinagawa ang nasabing survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing na 4,010 katao edad 15-anyos pataas sa buong bansa.

Ang sample ay nagmula sa 294 mula sa NCR, 1,645 sa Balance Luzon, 792 sa Visayas at 1,279 sa Mindanao. Ang survey ay hindi kinomisyon ninuman at isinagawa ng SWS sa kanilang sariling inisyatiba.

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

QUALITY OF LIFE

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with