^

Bansa

Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr.

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Palasyo nakiramay sa pagpanaw ni Eduardo âDandingâ Cojuangco Jr.
This undated file photo shows businessman Eduardo "Danding" Cojuangco Jr.
San Miguel Corp.

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ng kilalang negosyante at tinaguriang “kingmaker” na si Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr.

Pumanaw kamakalawa ng gabi si Cojuangco sa edad na 85.

“We are deeply saddened by the passing of Mr. Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr.,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque, kinikilala nila ang kontribusyon sa socio-economic development ng Pilipinas ni Cojuangco bilang Chairman of the Board at Chief Executive Officer (CEO) ng San Miguel Corporation (SMC) na may operasyon sa pagkain, inumin, enerhiya, power, oil refining at infrastructure.

Ayon kay Sec. Roque, napakaraming trabaho at kabuhayan ang nalikha ng SMC para sa mga Pilipino bilang direct workforce, suppliers, distributors, retailers at kahalintulad na oportunidad.

Sa panahon daw ng COVID-19 pandemic, naging maaasa-hang partner ang SMC para maibsan ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay suporta at tulong sa mga frontli-ners at vulnerable sectors.

Inihayag ni Roque na dasal nila ang mapayapang pamamahinga ng kaluluwa ni Cojuangco at taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya, katrabaho, kaibigan at mahal sa buhay.

DANDING COJUANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with