^

Bansa

'Distance learning' baka magpamahal sa private school tuition — DepEd

Philstar.com
'Distance learning' baka magpamahal sa private school tuition — DepEd
Kuha ng mga estudyante sa eskwelahan
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Hindi garantiyang makakamenos sa gastos ang mga magulang ngayong walang pisikal na klase, paglilinaw ng Department of Education (DepEd), Martes.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na baka gumastos pa nga nang mas malaki ang mga pribadong eskwelahan habang namemerwisyo ang coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

"We have experienced na hindi dahil distance learning ay mababa ang gastos," sabi ni Malaluan nang tanungin kung liliit ang matrikula ngayong walang face-to-face classes.

"In fact, malaki ang kailangan punan by our experience dahil iko-convert mo iyong learning resources that are intended for classroom-based instruction immediately into distance learning forms."

Una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya papayagan ang face-to-face classes hangga't wala pang nade-develop na bakuna laban sa COVID-19, na umapekto na sa 26,420 noong Lunes.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Malaluan na dapat maipakita pa rin sa tuition kung paano iginugugol ng mga paaralan ang kanilang pondo habang tumutugon sa pandemya.

"Kung halimbawa... [ang] laboratory fees ay icha-charge pa rin at library fees, iyon ang definitely puwede nating tingnan," patuloy ng opisyal.

Binanggit na noon ni Education Secretary na gagamit ng "blended learning" ang mga eskwelahan para makapag-aral pa rin ang mga bata, kung saan gagamitin ang radyo, telebisyon at internet.

Kagabi lang nang sabihin ni Digong na nagbabalak bumili ng mga radyo ang gobyerno para sa mga estudyanteng matatagupuan sa mga liblib na bahagi ng bansa.

"Baka kung magtagal ito talaga, sayang ang panahon. We might buy the radio at 300 maibigay sa lahat ng—sa lahat ng barangay na maabot ng radio para naman ‘yung mga mahirap may communication sila sa teacher nila," sabi ni Duterte.

"We will come up with something in the next few days. Maybe before the end of the week, I would be able to look for the money. Wala na tayong pera ngayon. I would look for the money to buy transistor radios to be distributed all throughout the country." 

Nasa 10.6 milyong mag-aaral na ang nakapag-enroll sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa, ayon sa mga datos noong Lunes.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng Alliance of Concerned Teachers na pinangangambangan ang pagsasara at pagtatanggal ng ilang guro sa maliliit na pribadong paaralan, dahil na rin sa baba ng enrollment. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

TUITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with