Ex-DFA Sec. Yasay pumanaw
MANILA, Philippines — Nagpahatid kahapon ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ng kauna-unahang Foreign Affairs Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Perfecto Yasay.
Pumanaw si Yasay sa edad na 73.
Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na nakikiramay ang Palasyo sa pamilya, mga kaibigan, naging katrabaho at mga nagmamahal kay Yasay.
Matatandaan na bumaba sa puwesto si Yasay bilang Foreign Affairs secretary matapos mabigong makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments dahil sa isyu ng kanyang citizenship.
Nagsilbing DFA secretary si Yasay mula Hunyo 2016 hanggang Marso 2017.
Tumakbong bise presidente si Yasay ni Jesus is Lord Church founder Eddie Villanueva pero natalo ito ni dating vice president Jejomar Binay.
Nagsilbi ring chairman ng Securities and Exchange Commission (SEC) si Yasay mula 1995 hanggang 2000.
- Latest