^

Bansa

UP experts: Aabot nang 40,000 COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong Hunyo

Philstar.com
UP experts: Aabot nang 40,000 COVID-19 cases sa Pilipinas ngayong Hunyo
Sumasakay ng tren ang mga pasahero na ito sa Metro Manila habang "rush hour" sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-1 ng Hunyo
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 40,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas bago magtapos ang buwan ng Hunyo, ayon sa isang research group, Huwebes.

Sa briefing ng Department of Health (DOH), sinabi ng UP OCTA Research na ibinatay daw nila ito sa kasalukuyang trends ng pagkalat ng virus.

"Right now, ‘yung projection namin, ginamit lang namin ‘yung R0 na 1.2 sa Philippines. So ‘yung projection actually is nasa 40,000 cases by June 30," ani Guido David, propesor ng Math sa UP.

Tumutukoy ang R0 sa reproduction number, na ginagamit para ipakita ang potensyal ng sakit upang makapanghawa.

Kapag ang R0 ay mas mataas sa isa, kumakalat pa ang sakit. Ngunit sinasabing nagfla-flatten na ang "epidemic curve" kung mas mababa ito sa isa.

Nang magsimula ang outbreak sa Pilipinas, mas mataas daw ang R0 sa tatlo, at bumaba kinalaunan sa isa, ngunit naging dalawa naman sa pagtatapos nang Mayo. Kasalukuyan itong nasa 1.2.

Sa National Capital Region (NCR), mas mababa raw nang bahagya sa isa ang R0 — na magandang balita. Gayunpaman, bumaba rin daw ang pagkalat ng virus noong Abril ngunit biglang sumipa uli nang Mayo kung kaya't dapat pa ring mag-ingat.

Samantala, tumaas naman daw kamakailan ang R0 ng Cebu, kung kaya't dapat pa raw paigtingin ang pagsugpo dito sa nasabing lalawigan.

"Natitira na lang [na] battleground talaga is NCR and Cebu," sabi pa ni David.

Marso nang sabihin ng DOH na posibleng umabot sa 75,000 ang kaso ng nakamamatay na sakit sa loob nang dalawa hanggang tatlong buwan kung hindi tuluyang masasawata.

Una nang sinabi ni David, Assistant Prof. Ranjit Singh Rye at Ma Patricia Agbulos na ng OCTA Research na maaaring umabot sa 24,000 kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng ika-15 ng Hunyo kung ire-relax nang wala sa oras ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Posible rin daw sa 1,700 patay kung mangyayari ito.

Ang projections nina David ay tila pasok pa rin sa iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon, nang umabot sa 23,732 ang bilang ng nahahawaan ng sakit sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 1,027 na ang binabawian ng buhay. — James Relativo

NOVEL CORONAVIRUS

RESEARCH

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with