^

Bansa

Dehins milyon?: Unemployed sa lockdown '69,000 lang' noong Abril, sabi ng DOLE

James Relativo - Philstar.com
Dehins milyon?: Unemployed sa lockdown '69,000 lang' noong Abril, sabi ng DOLE
Sa file photo na ito, makikitang nagsasalita ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press conference sa Intramuros, Maynila
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang resulta ng isinagawang survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagpalo ng unemployment sa "record-high" na 17.7% habang nananalasa ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa bansa.

Ika-5 ng Hunyo nang sabihin ng PSA na 7.3 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Abril kasabay ng mga lockdown kontra COVID-19.

Sabi ng kalihim, malayo sa katotohanan ang inilabas ng kapwa government agency, lalo na't hindi pa raw tumutuntong sa milyon ang totoong unemployed.

"Ang actual number of unemployed ay umaabot lamang po sa 69,000 at ang mga nagsabing nagsara sila ay 2,068 companies or employers," sabi ni Bello, Miyerkules.

"'Yung pong 7.3 million ay survey pa lang po 'yan, hindi po 'yan actual or factual."

Ang Philippine Statistics Authority ay ang "central statistical authority of the Philippine government on primary data collection" ayon sa Philippine Statistical Act, na nagsasabi rin na "the data produced by the PSA shall be the official and controlling statistics of the government."

Una nang sinabi ng PSA na ito na naitala ang pinakamataas na kawalang trabaho sa Pilipinas simula nang baguhin ng gobyerno ang kanilang methdology sa pagsusukat noong 2005.

Sa loob lamang nang isang taon, 5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho mula Abril 2019 hanggang Abril 2020.

"This is a record high in the unemployment rate reflecting the effects of the economic shutdown to the Philippine labor market, due to COVID 19," banggit ng PSA sa isang pahayag noong nakaraang linggo.

IBON: Mas malala pa talaga

Bagama't napakalala na ng mga lumabas na numero, sinabi naman ng economic think tank na IBON Foundation na mas malala pa talaga ang mga tunay na datos.

Sa panayam ng PSN kay Sonny Africa, executive director ng grupo, lumalabas sa kanilang re-estimation na nasa 22% talaga ang "real unemployment rate," na katumbas ng 14 milyong Pilipino.

"The 20.4 million real unemployed and underemployed today is the worst crisis of mass unemployment in the country's history," wika ni Africa.

"The technical definition of unemployment doesn't count as much as 4.1 million Filipinos who didn't formally enter the labor force because of the [enhanced community quarantine] and another 2.6 million that the revised unemployment definition since April 2005 stopped counting."

Sa pakahulugan ng gobyerno, kikilalanin ka lang na "unemployed" kung ika'y:

  • 15-anyos pataas na walang hanapbuhay
  • maaaring magtrabaho
  • naghahanap ng trabaho o hindi naghahanap ng trabaho dahil sa mga "valid reasons"

Sabi ni Africa, kinakailangan pang bigyan nang mas malaking direktang "income support" sa low-income households gayong hindi pa makapanumbalik trabaho ang marami.

"This is both direct support for families’ welfare as well as a meaningful stimulus from increasing effective demand in the economy," kanyang panapos. — may mga ulat mula sa News5

COMMUNITY QUARANTINE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

IBON FOUNDATION

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

SILVESTRE BELLO III

SONNY AFRICA

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with