^

Bansa

Duterte-Xi partnership 'paiigtingin' sa ika-45 anibersaryo ng diplomatic ties

James Relativo - Philstar.com
Duterte-Xi partnership 'paiigtingin' sa ika-45 anibersaryo ng diplomatic ties
Kuah ni Chinese President Xi Jinping (kaliwa) at Pangulong Rodrigo Duterte (kanan)
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Lalo pang magiging malapit ang gobyerno ng Pilipinas sa Tsina habang hinaharap ng mundo ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic, sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, Martes.

Sa isang liham na pinetsahang ika-9 ng Hunyo, sinabi ni Duterte na kinakailangan ang mas matinding kooperasyon ng mga Pinoy at People's Republic of China bilang pagtalima sa diplomatikong relasyunan na nagsimula noong 1975.

"China is a close neighbor and valued friend," wika ni Duterte sa sulat, kahit na nag-aagawan ng teritoryo ang Maynila at Beijing sa West Philippine Sea.

"Our milestone today is an auspicious time to reaffirm our shared aspirations and the principles we have committed to uphold as enshrined in our Joint Communique forty-five years ago."

Ibinahagi ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang nasabing liham sa kanilang Twitter, Miyerkules nang umaga.

Kahapon lang din nang mag-anibersaryo ang pananagasa, pagpapalubog at pag-aabandona ng mga Tsino sa F/B Gem-Ver 1, na may sakay na 22 Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.

(Basahin: Isang taon matapos ang 'Recto Bank incident,' wala pa ring napapanagot — grupo)

Matatandaang nangingisda (purse seine operation) ang mga Tsinong nakasakay sa Yuemaobinyu 42212 nang mangyari ang insidente, kahit na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Recto Bank.

Una nang nabatikos si Duterte sa kanyang patuloy na pakikipag-igihan sa Beijing sa gitna nang sari-saring incursions ng Chinese elements sa soberanya at soberanyang karapatan ng bansa, dahilan para tawaging "pagtataksil" ng grupong PAMALAKAYA ang katahimikan ni Duterte sa mga panghihimasok.

"As the entire world continues to face challenges to security and stability and the rule of law and with the rise of non-traditional and emerging threats such as the COVID-19 pandemic, further strengthening Philippines-China partnership takes on even greater significance," patuloy ni Duterte.

"We must forge on and ensure that the potential of our special ties is fully realized."

Dati nang nabatikos ang pangulo dahil sa pagdadalawang-isip ng Pilipinas magpatupad ng travel ban mula Tsina, lalo na't nagsimula ang nakamamatay na virus sa Wuhan.

Mula sa unang kasong kinumpirma ng Department of Health noong Enero, 22,992 na ito sa ngayon. Inilabas lang ang travel ban noong ika-31 ng Enero.

"There is nothing really to be extra scared of that coronavirus thing although it has affected a lot of countries," sabi ni Duterte noong Pebrero.

CHINA

DIPLOMATIC TIES

RODRIGO DUTERTE

XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with