^

Bansa

'Glitch'? Mga problema sa paliwanag ng NBI sa FB account cloning

James Relativo - Philstar.com
'Glitch'? Mga problema sa paliwanag ng NBI sa FB account cloning
Banta ng "rape" ng isang Facebook dummy account sa isang estudyante ng PUP (kaliwa) at cellphone (kanan) na ginagamit sa pag-access ng social networking sites.
Mula sa Facebook ng The Catalyst; AFP, File

MANILA, Philippines — Ikinagulat nang marami ang pagsulpot nang sari-saring pekeng Facebook accounts nitong weekend, bagay na ikinabahala nang marami matapos ipasa ang anti-terrorism bill sa Senado at Kamara.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na maaaring "glitch" ang dahilan ng pagkalat ng mga blangkong duplicate accounts.

"Ang tinitingnan pa lang namin ngayon, in all probability, glitch lang ito dahil napakahirap mag-create ng account ngayon sa Facebook, especially kapag madami kang kini-create na account under one ID, one cellphone number, one location," wika niya.

"Machine lang naman iyon. Hindi impossible na mangyari na magkaroon ng glitch."

Ilan pa raw sa sinisilip nilang dahilan ay ang mga malawakang kilos protesta sa Estados Unidos, kung saan nakahimpil ang Facebook.

Pinag-aaralan din ngayon ng NBI kung sadyang nililikha ang mga account, o kung tinatarget lang ang mga estudyante.

FB wala pang komento

Sumagot na rin ang Facebook hinggil sa teoryang "glitch" ng NBI sa panayam ng Philstar.com: "Nothing further to share at this time."

Kahapon nang maglabas ng pahayag ang UP Office of the Student Regent hinggil sa mga naglipanang "empty, duplicate" at "fake accounts" na nanggagaya ng pangalan ng ilang UP Cebu students, matapos ang inilunsad na protesta kontra anti-terrorism bill. 

Target na rin nito ngayon ang mga hindi UP students at alumni ng unibersidad, at nakaabot na rin sa mga taga Metro Manila. Ang ilan, mahigit 30 na ang imposter accounts.

 

'Glitch' pero nananakot?

Pero may problema sa teoryang "glitch" ng NBI — mine-message kasi ng mga naturang dummy accounts ang totoong may ari ng Facebook accounts.

Ilan sa mga account na ito ay nagbabantang ipakukulong ang mga totoong may ari kaugnay ng anti-terror law, o hindi kaya'y iniuugnay ang account owners sa mga komunista't New People's Army (NPA).

 

 

Ang mga nasabing screenshots ay nanggaling sa The Catalyst at The Communicator, na pawang official publications ng Polytechnic University of the Philippines.

Sa ilang pagkakataon pa, "death threat" ang ipinadadala ng dummy account sa totoong may ari ng Facebook. Ang lahat nang 'yan, hindi magagawa ng simpleng "technical" na problema.

 

 

Pangamba tuloy ng ilang netizens, maaaring i-frame up sila kaugnay ng anti-terrorism bill sa pamamagitan ng mga pekeng account.

Kahapon lang nang sabihin ng Facebook na iniimbestigahan na nila ang kahina-hinalang aktibidad, na paglabag daw sa kanilang polisiya.

Nagkomento na rin ni Raymund Liboro, commissioner ng National Privacy Commission, sa mga pangyayari.

"While the extent of these incidents are not yet fully determined at this time, we have been receiving reports from different sectors, mostly coming from academic institutions," ani Liboro.

"We immediately brought this to the attention of Facebook."

Sa ilalim ng anti-cybercrime prevention act, maaaring ikakulong nang anim hanggang 12 taon ang sinumang mapatutunayang guilty sa salang online identity theft, ani Lorenzo.

ANTI-TERRORISM BILL

FACEBOOK

FACT CHECK

IMPOSTOR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with