^

Bansa

Youngest COVID-19 survivor sa Pilipinas na si 'Baby Kobe' pumanaw na

Philstar.com
Youngest COVID-19 survivor sa Pilipinas na si 'Baby Kobe' pumanaw na
Hawak ng isang healthworker ang noo'y 16-day-old na si baby Kobe Manjares matapos gumaling mula sa COVID-19
Released/Department of Health

MANILA, Philippines — Binawian na nang buhay ang pinakabatang gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, pagkukumpirma ng kanyang ama, Huwebes.

Bagama't nakaligtas sa pangil ng virus, isinugod uli sa ospital ang sanggol na si Kobe Manjares noong Mayo buhat ng constipation.

"Nakausap ko 'yung doktor kagabi at sabi tutubuhan na siya. Pagkatapos, sinabi wala na," wika ni Ronnel Manjares, tatay ng baby, sa panayam ng ABS-CBN News.

Na-diagnose ng COVID-19 si baby Kobe noong siya'y 5-araw pa lang at ini-release ng National Children's Hospital pagsapit ng kanyang ika-16 araw matapos magnegatibo sa virus.

 

 

Ang bata, na ipinanganaok noong ika-12 ng Abril, ay unang dinala sa ospital dahil din sa constipation. 

Matatapos na sana ang kanyang 14-day quarantine sa Ospital ng Muntinlupa nang mapansin na bumalik ang kanyang kondisyon.

"Lumalaki ang tiyan. Pag nakakakain sya hindi nya masyadong nailalabas, naidudumi," dagdag ni Manjares.

Kinakailangan pa ng pamilya bumiyahe mula Alabang patungong Lungsod ng Quezon upang matubos ang katawan ng bata. Dagdag pa niya, wala nang pera si Manjares upang maipalibing ang supling.

Maaaring kontakin ang numerong (0951) 9992328 sa mga nais magpaabot ng pinansyal na tulong. — James Relativo

CONSTIPATION

NATIONAL CHILDREN'S HOSPITAL

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with