^

Bansa

RTC judges tumanggi sa COVID test

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Su-preme Court sa mga huwes na kabilang sa tungkulin nila sa publiko at kanilang mga tauhan ang magpa­sailalim sa COVID-19 tests para ma­tiyak ang kaligtasan ng lahat sa pan­demya.

Ito’y makaraang sabi-hin ni Associate Justice Marvic Leonen na ilang trial court judges ang tumanggi na magpasailalim sa rapid testing sa hindi mabatid na dahilan na labis na ikinadismaya ng korte.

Sinabi naman ni Court Administrator Midas Marquez na marami naman na nagpasailalim sa tests habang ang iba na uma-yaw ay maaaring hindi ito nakikitang kailangan dahil sa wala silang nakikitang sintomas.

Isinagawa ang tes-ting para muna sa mga trial court judges sa Metro Manila na siyang sentro ng pandemya sa bansa. Uma-asa naman umano ang maraming huwes sa ibang parte ng bansa na maisasagawa rin ito sa kanila.

Una nang isinailalim sa rapid mass testing ang mga empleyado ng SC at Court of Appeals. Susunod na umano rito ang Court of Tax Appeals.

MIDAS MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with