Religious gatherings bawal pa rin
MANILA, Philippines — Hindi pa rin pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang mass gatherings na pang relihiyon kahit maluwag na ang ipinatutupad na quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natalakay na ng IATF ang isyu ng religious mass gatherings kung saan nagkaroon ng desisyon na huwag pa rin itong payagan.
“Naka-agenda po siya kahapon (Lunes) at nagkaroon po ng desisyon na hindi muna po papayagan ang mass gathering for religious purposes,” ani Roque.
Sinabi ni Roque na ikokonsidera pa rin ang datos at ang “doubling rate” ng COVID-19 maging ang kahandaan sa critical care.
“I cannot say when mapapayagan po iyan pero titingnan po natin ang datos. Titingnan po natin kung ang case doubling rate, titingnan po natin ang preparedness for critical care. Pero sa ngayon po hindi pa po papayagan ang mass gathering for religious purposes,” ani Roque.
Muli nitong nilinaw na hanggang 10 katao lamang ang pinapayagan sa religious gatherings sa mga lugar na nasa general community quarantine samantalang tatalakayin pa para sa mga lugar na nasa modified general community quarantine.
- Latest