TIGNAN: Sitwasyon ng trapik, komyuter sa unang araw ng Metro Manila GCQ
MANILA, Philippines — Nagsimula na uling magsikip ang daloy ng mga sasakyan habang hirap ang mga commuter sa unang araw ng mas maluwag ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, Lunes.
Huwebes nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang GCQ para sa National Capital Region ngayong ika-1 ng Hunyo, dahilan para manumbalik ang limitadong public transportation matapos ang lockdown kontra coronavirus disease (COVID-19).
Dahil sa pag-relax ng lockdown laban sa COVID-19, maaari nang bumalik sa opisina at trabaho ang halos 75% ng mga empleyado — dahilan para magkumahog ang marami may masakyan lang.
Maaga pa lang, mabigat na ang trapiko sa Commonwealth at Regalado Avenue bandang 6:00 a.m.
Sa EDSA, usad-pagong ang mga sasakyan mula Estrella sa Lungsod ng Makati, maging sa Santolan hanggang Kamuning sa Lungsod ng Quezon.
Bandang 7:30, makikitang naipon din ang mga sasakyan sa Molino Blvd. at Emilio Aguinaldo Highway.
LOOK: Traffic is slow-moving from Estrella up to Ortigas; then Santolan up to Kamuning. pic.twitter.com/nNk7ZAppn2
— Gerard de la Peña (@gerarddelapena) June 1, 2020
Traffic build up along Molino Blvd. and Emilio Aguinaldo Highway | via Nelson Lucas pic.twitter.com/sSnVNNWgSt
— News5 AKSYON (@News5AKSYON) May 31, 2020
Mahaba naman ang pila ng mga mananakay sa MRT-3 Taft Avenue station bandang mag-7:40 a.m.
Para mapanatili ang physical distancing, naglagay ng mga dilaw na marka sa paakyat ng istasyon, para maiwasan ang hawaan.
Todo-bantay din ang mga security guard sa loob ng mga bagon para matiyak na may akmang layo ang mga mananakay, para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
"20 MRT-3 trains are currently running under limited capacity. This translates to 60 coaches. Mas mabilis din ang takbo ng mga tren," ani Transportation Secretary Arthur Tugade sa panayam ng CNN Philippines.
WATCH | Sitwasyon sa pila ng mga pasahero sa MRT Taft Avenue Station sa Pasay City as of 7:45 AM. @News5AKSYON @onenewsph pic.twitter.com/ffc4Nxj9XA
— JC Cosico (@JCCosico) May 31, 2020
Merong apat na pick-up points ang bus augmentation program ng MRT sa kahabaan ng EDSA, na matatagpuan sa North Ave., Quezon Ave., Ayala Ave. at Taft Avenue. Layon itong umalalay sa tren lalo na't kaonti pa lang ang pinasasakay sa railway system.
Maliban sa MRT-3, operational na rin ang LRT-1, LRT-2 at Philippine National Railways (PNR), na may mga bagong tren daw sa ngayon.
Naipon din ang mga commuter sa kahabaan ng Commonwealth Ave., Quezon City bandang 7:30 a.m. habang naghihintay ng masasakyan.
Sa labas ng Metro Manila, naramdaman din ang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Visayas, sa unang araw din ng GCQ sa Cebu City.
Day 1 of GCQ:
— Erla Villaver (@erlalah) June 1, 2020
There’s heavy traffic at SRP (Cebu City-bound). The temporary South Bus Terminal that was relocated in Talisay City looked devoid of buses at the time I passed by. People had no choice but to walk from the terminal all the way to Cebu City. #GCQ pic.twitter.com/bDi3UT1jhq
Tugade sa publiko: Pasensya
Dahil sa kanilang inabot, hindi naman naiwasan ng mga motorista't komyuter na ibuhos ang sakit ng ulo sa social media.
"Grabe ang traffic. It’s obvious we are not ready for GCQ yet. Ura-urada kasi magbigay ng panuntunan" sabi ni @SuJiandRamyun sa Twitter.
"Sana bago i-GCQ plantsahin muna ang provisions nyo. Hindi ngayon KAMI nahihirapan."
Si @jhhheen naman, hindi naman na raw sanay sa trapik dahil sa tinagal-tagal ng mahigpit na quarantine.
Hooooy! Ang traffic! Di na ko sanay sa traffic! Magsi uwi na kayo... #GCQ
— LilaRosa (@jhhheen) May 31, 2020
Humingi naman ng tawad si Tugade sa mga naperwisyo ngayong GCQ. Pero sana'y maintindihan daw muna ito ng taumbayan at makipagtulungan sa gobyerno.
Aniya, magiging "gradual, partial, calculated" at "limited" ang panunumbalik ng pampublikong transportasyon matapos nitong masuspendido sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.
"Humihingi ako ng pasensya. Forgive us if it creates inconveniences. What we're doing right now is for the many," sabi ng kalihim.
"This is a new experience for all of us created by a pandemic not of our own liking, neither of our own making. I ask for full understanding and cooperation." — may mga ulat mula sa News5
- Latest