^

Bansa

Travel restrictions sa international flights sa NAIA mananatili

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Travel restrictions sa international flights sa NAIA mananatili
Maipatutupad lamang umano ang normal na operasyon kapag nagdesisyon na ang pamahalaan na tanggalin na ang ipinaiiral na ‘travel restrictions’ mula nang ilagay ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ).
Rudy Santos/File

MANILA, Philippines — Mananatili ang mga umiiral na ‘travel restrictions’ sa mga ‘international flights’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na mailagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa Hunyo 1.

Nananatiling suspendido ang karamihan sa mga international flights para sa mga Filipino at dayuhan na nais pumasok at lumabas ng bansa.

“As a consequence, our operations at the NAIA are still downscaled and our personnel there are still on skeletal and rotational deployment,” ayon kay BI Commissioner Jaime Morente.

Maipatutupad lamang umano ang normal na operasyon kapag nagdesisyon na ang pamahalaan na tanggalin na ang ipinaiiral na ‘travel restrictions’ mula nang ilagay ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni BI acting port operations chief Grifton Medina na sa kasalukuyan, nasa 20-30 flights kada araw kabilang na ang mga may dalang ‘medical supplies’ at iba pang cargo ang pinapayagan.

Karamihan naman sa mga passenger flights ay para sa repatriation ng mga OFWs at mga ‘sweeper flights’ para iuwi ang mga na-stranded na mga dayuhan sa kanilang bansa.

Sa ilalim ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force Against Infectious Diseases (IATF), tanging mga OFWs, Filipino citizens, mga may permanent residences  at mga dayuhang diplomat lamang ang pinapayagang pumasok ng bansa. 

Ang mga makalalabas naman ay mga dayuhan lamang o mga Filipino na may permanent residence o student visa sa destinasyong bansa.

 

INTERNATIONAL FLIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with