^

Bansa

MORE tiniyak ang stable na linya ng kuryente sa Iloilo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ilalim ng “new normal” na pamumuhay kung saan mas mahabang oras ang ginugugol sa loob ng bahay kaysa sa labas, malaki ang pangangailangan na dapat stable at maasahan ang supply ng kuryente kaya naman makaaasa na ng mas maayos at magandang suplay ng kuryente ang mga taga Iloilo City dahil sa ginawa ng More Electric and Power Corp. (MORE) Power na pag-upgrade sa distribution facilities sa lalawigan.

Ayon kay MORE Power President and COO Ruel Castro, uma­bot na sa 51 distribution transformers ang kanilang na-upgrade, habang napalitan na ang 51 broken electric poles at naayos na ang 97 hotspot connectors sa loob lamang ng 2 buwan.

Una nang naglaan ng P1.8 bilyon ang MORE para sa rehabilitation at upgrading ng power distribution system sa Iloilo City matapos nilang itakeover ang distribution utility sa lalawigan nang kanselahin ng Kongreso ang 96 taong prangkisa ng Panay Electric Company (PECO). Kasabay ng pagtake-over ay minana din ng bagong kumpanya ang mga problema na kanila umanong isa-isa nang tinutugunan.

Nangako rin ang MORE Power ng mas mababang monthly bills sa pamamagitan ng pag-cut sa system losses na umabot sa 9.03% noong 2019.

Ipinaliwanag ni Castro na ang mataas sa 9.03% na system losses ay nangangahulugan na may 20,000 illegal connections sa Iloilo City na kanila na ngayong hinahanap, aniya, isang programa para mawakasan na ang illegal jumpers na kanila ding inilunsad kung saan maaari nang makapag-apply ng regular connections ang mga informal settlers.

MORE

RUEL CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with