^

Bansa

4 patay sa bagyong Ambo, Eastern Samar nilumpo

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
4 patay sa bagyong Ambo, Eastern Samar nilumpo
Maraming bahagi ng Eastern Samar tulad sa bayan ng Jipapad at Arteche ang lumubog sa baha dahil sa bagyong Ambo.
Miriam Desacada

MANILA, Philippines — Apat ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng malakas na bagyong Ambo habang nilumpo rin ng hagupit nito ang lalawigan ng Eastern Samar na nabuwal ang mga puno, poste ng kuryente at maging ang mga isolation facilities para sa COVID-19, ayon sa pinagsamang ulat ng mga opisyal  kahapon.

Isang 62-anyos na ginang na si Lourdes Quinto ang nasawi habang sugatan ang asawa niyang si Melencio, 66, nang madaganan ng isang pader ang kanilang tahanan sa Catanauan, Quezon sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo kamakalawa ng hapon. 

Isa pang nasawing biktima na kinilala namang si Junil Banzagales, 24 anyos ng Bacacay, Albay ay nakuryente naman matapos aksidenteng mahawakan ang live wire sa pagha­gupit ng bagyo dakong alas-2:25 ng hapon kamakalawa.

Isa namang lalaking tinamaan ng nabasag na salamin ang namatay rin sa pananalasa ng bagyo sa bayan ng San Policarpio sa Eastern Samar. Meron isang nasawi sa Almagro sa Eastern Samar.

Maraming poste ng kuryente ang nabuwal, natuklap ang bubu­ngan sa maraming bahay at gusali at maging sa isolation facility para sa mga Person Under Investigation (PUIs ) sa COVID-19.

Ang bagyong Ambo ay pitong beses na nag-landfall o tumama sa kalupaan sa Eastern at Northern Samar noong Huwebes. Nasundan ito nitong Biyernes sa Masbate at Quezon.

Inihayag naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na maraming mga nasirang daan sa Eastern Samar na pinakagrabeng sinalanta ni Ambo, may nawasak na gymnasium at may mga bahay na hindi na mapapakinabangan.

Sinabi ni Jalad na may dalawa ring ka­taong naiulat na nawa­wala at patuloy pang pinaghahanap sa Eastern Samar.

Nagdulot din ang bag­yo ng pagbaha tulad sa Jipapad, Samar habang marami pa ring mga kalsada ang hindi madaanan bunga ng natumbang mga punong kahoy at nabuwal na mga poste ng kuryente.

Samantala, bahagyang humina kahapon ng umaga ang bagyong Ambo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Tinayang ang sentro ng bagyo ay nasa layong 40 kilometro ng hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur at kumikilos nang pahilagang kanluran.

Katamtaman hanggang malakas na ulan ang tinataya sa Cagayan Valley habang magaan hanggang katamtaman na may malakas na ulan minsan sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region at hilagang bahagi ng Aurora at Zambales.

TYPHOON AMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with