Bong Go: BP2 program, hindi masama kahit recycled idea
MANILA, Philippines — Naniniwala si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na walang masama kahit tinatawag ng kanyang mga kritiko na “recycled idea” ang isinusulong niyang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program kung ito naman ang magiging epektibong solusyon sa matagal at paulit-ulit nang problema, kapwa sa mga urban at rural na lugar.
Ayon sa senador, target ng kanyang programa na mapalakas ang pagpapaunlad sa mga lalawigan, mai-promote ang pantay na distribusyon ng economic opportunities sa lahat ng bahagi ng bansa, at maibigay sa lahat ng Filipino ang pag-asa ng magandang kinabukasan pagkatapos ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Go, nais ng programa na maresolba ang mga kinakaharap nating isyu ngayong dumaranas ng COVID-19 crisis ang Metro Manila, malutas ang iba pang problema, gaya ng congestion, mabagal at mahinang serbisyo publiko, kawalan ng disenteng tirahan ng marami, krimen, bagsak na sanitasyon, maruming kapaligiran at marami pa
“Sabi nila recycled idea po ito. Wala naman pong masama doon kung mapag-aaralan natin ang nangyari noong nakaraan para mas mapabuti ang implementasyon ngayon at maresolba na sa wakas ang matagal nang problema ng ating bansa,” ayon sa senador.
- Latest