^

Bansa

Normal na pamumuhay hindi na mababalikan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Normal na pamumuhay hindi na mababalikan
Sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, hangga’t walang bakuna o gamot na natutuklasan laban sa coronavirus di­sease 2019, malabo nang makabalik pa sa dating normal na pamumuhay.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Hindi na maaaring bu­malik ang mga mamamayan sa normal na pa­mumuhay bago magkaroon ng COVID-19 pandemic kahit pa ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa general community quarantine ang ilang lungsod sa Metro Manila.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, hangga’t walang bakuna o gamot na natutuklasan laban sa coronavirus di­sease 2019, malabo nang makabalik pa sa dating normal na pamumuhay.

Posible rin aniya na buhay ang maging kapalit kung magbubulag-bulagan ang mga mamamayan sa sitwasyon.

Ipinunto ni Roque na sa general community quarantine, bagaman at mas mababa sa enhanced community quarantine, hindi nanga­ngahulugan na tapos na ang quarantine kaya dapat pa ring mag-ingat.

“Dahil ang ibig sabihin lang ng pagbaba ng ECQ sa GCQ, mayroon pa rin pong banta. Hindi lang ganoong katindi pero pag ibinaba sa GCQ yan po ay kritikal pa rin ang ating sitwasyon,” sabi ni Roque.

NORMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with