Bagyong Ambo target ang Bicol
MANILA, Philippines — Tinatayang bubuhos ang bagyong Ambo sa Bicol sa Huwebes o Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Inaasahang tatawid ang bagyo sa Bicol sa pagitan ng hapon at gabi sa Mayo 14 at madaling-araw ng Mayo 15. Hanggang kahapon ng alas-3:00 ng hapon, namataan ang bagyo sa layong 330 kilometro mula sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Sinabi ng PAGASA na halos stationary pa si Ambo hanggang kahapon ng hapon. Sinabi ni PAGASA weather forecaster Chris Perez na maaapektuhan ni Ambo sa mga darating na araw, bukod sa Bicol, ang ilang bahagi ng Southern at Central Luzon o sa pagitan ng Biyernes at Sabado. Inaasahan ding magdudulot ito ng pag-ulan sa Caraga at Davao region at ibang bahagi ng Mindanao. Magsisimulang magbuhos ng ulan sa Samar si Ambo ngayong hapon ng Martes.
- Latest