China nag-donate ng 150K testing kits
MANILA, Philippines — Muling nag-donate ng 150,000 testing kits at 18,000 disposable overall para sa mga medical frontliners sa bansa ang gobyerno ng China.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., tinanggap ni Secretary Carlito Galvez Jr. ang nasabing medical supplies mula kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isang simpleng seremonya.
Ang nasabing mga medical equipment ay dumating kahapon mula China sa pamamagitan ng isang chartered flight.
Ayon pa kay Locsin, ang natitira pang padating na overall ay inaasahang dumating kagabi.
- Latest