^

Bansa

Sen. Go: Pilot testing ng ‘Balik Probinsiya’ program aarangkada na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Sen. Bong Go na aarangkada na ang pilot testing ng “Balik-Probinsiya” program bilang isa sa paghahanda ng bansa sa tinatawag na “new normal” kapag naalpasan na ang COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito’y pinuri at pinasalamatan ng senador ang mga pangunahing ahensiya at local government units sa ginagawang paghahanda para sa implementasyon ng “Balik Probinsya-Bagong Pag-asa” program.

Ayon sa senador, prayoridad na maisakatuparan ngayon ang BPP matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 114, na nag-i-institutionalize sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program bilang sandigan ng balanseng pagpapaunlad sa mga lalawigan.

Inimpormahan na si Sen. Go ni National Housing Authority General Manager Jun Escalada at Mindanao Development Authority Secretary Manny Piñol na may anim na probinsiyang handa nang lumahok sa pilot testing, kinabibilangan ng Leyte, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Bukidnon, North Cotabato at Camarines Sur.

Ayon naman sa DSWD, may 3,000 individuals sa Metro Manila na nais na ring magsibalik sa kani-kanilang lalawigan. Tutulungan din ng DSWD ang mga manggagawang na-stranded sa Metro Manila para makauwi sa kanilang pamilya sa probinsiya.

Magsasagawa ng quarantine measures, COVID-19 testing at bibigyan ng health certifications ang mga bibiyahe o magbabalik probinsiya.

Nagsasagawa na rin ang DSWD ng rapid assessment bukod sa ibibigay na transportasyon, transitory assistance packages at livelihood assistance sa mga uuwi sa mga rehiyon.

Nagagalak si Go dahil marami pang lider ng mga probinsiya na nagpahayag ng kanilang pakikiisa sa programa sa pamamagitan ng pag-aalok ng resources, gaya ng land at organic farming na susog sa sustainable livelihood at housing components.

BPP

JUN ESCALADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with