^

Bansa

Cayetano may buwelta sa NTC, OSG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Cayetano may buwelta sa NTC, OSG
Kasabay nito, tiniyak ni Cayetano na aaksyunan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang prangkisa ng higanteng broadcasting network kung saan umaabot na sa 12 ang nakahaing panukalang batas para sa renewal ng prangkisa nito ng karagdagan pang 25 taon.
Joey Mendoza/File

MANILA, Philippines — “There will be a day of reckoning!”

Ito ang mariing pahayag kahapon ni Speaker Alan Peter Ca­yetano sa ginawang pagbaligtad ng National Telecommunications Company (NTC) at pakikialam ni Office of the Solicitor General (OSG) Jose Calida sa mandato ng Kongreso sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kasabay nito, tiniyak ni Cayetano na aaksyunan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang prangkisa ng higanteng broadcasting network kung saan umaabot na sa 12 ang nakahaing panukalang batas para sa renewal ng prangkisa nito ng karagdagan pang 25 taon.

“We were all ambushed by NTC last Tuesday when it issued a cease and desist order,” ayon kay Cayetano na sinabing tila na-pressure ang ahensya kay Calida sa naging hakbang nito at ma­ging ang legal na opinyon ng Department of Justice ay binalewala.

Binigyang diin ni Ca­ye­tano na ang pag-iisyu ng cease and desist order ng NTC ay walang halaga dahil ang kapangyarihan ukol dito ay hawak at hurisdiksyon lamang ng Kongreso.

Binigyang diin ni Ca­ye­tano na hindi suka’t akalain ng Kamara na sisira sa pa­ngako si NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na nanga­ko sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises na iisyuhan ang ABS-CBN ng provisional authority habang dinidinig pa ang renewal ng prangkisa ng tv-radio network.

Sinabi ni Cayetano na simula pa lamang ng kaniyang Speakership noong Hulyo ay nasa agenda na ng Kamara ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN na nag-expire nitong Mayo 4 ng taon.a

CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with