^

Bansa

Gobyerno in-engganyo sumuway sa 'fishing ban' ng Tsina sa South China Sea

James Relativo - Philstar.com
Gobyerno in-engganyo sumuway sa 'fishing ban' ng Tsina sa South China Sea
Litrato ng Panatag (kilala rin sa tawag na Scarborough) Shoal sa loob ng West Philippine noong 2016.
AMTI/CSIS via DigitalGlobe

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng ilang militanteng mangingisda ang gobyerno ng Pilipinas na hamunin ang pagbabawal ng gobyerno ng Tsina sa pangingisda sa pinag-aagawang teritoryo sa karagatan na inaangkin din ng Maynila.

"Hindi dapat mag-aksaya ng panahon ang gobyerno ng Pilipinas at maghintay na arestuhin ng Chinese maritime officers ang mga mangingisda natin," ani Fernando Hicap sa Inggles, pambansang tagapangulo ng PAMALAKAYA.

"Dapat agad na kundinahin at protestahin ang bullying na ito ng Tsina. Meron tayong international at local fisheries laws na maaaring ipatupad para labanan ang agresyon ng Tsina."

Ika-1 ng Mayo nang ipatupad ng Beijing ang isang "summer fishing moratorium" 12° north latitude ng South China Sea, na tatagal hanggang ika-16 ng Agosto.

Nasa loob ng South China Sea ang West Philippine Sea, habang pinabulaanan na ng international tribunal sa The Hague noong 2016 ang nine-dash line claim ng Tsina sa South China Sea.

Pero giit ng Tsina, gagawa sila ng mahihigpit na pamamaraan upang mapigilan ang pangingisda sa lugar para "itaguyod ang sustainable marine fishery development" at "maayos ang marine ecology."

"Striktong ipatutupad ng coast guard ang ban alinsunod sa mga batas at regulasyon, at magka-crackdown sa mga krimen at gawing labag sa batas, para siguruhin ang karapatan at interes ng marine fisheries at maprotektahan ang marine ecological environment," sabi sa website ng state council ng People's Republic of China.

Tinatayang 50,000 bangkang pangisda ang magsususpinde ng operasyon sa loob ng tatlo at kalahating buwang moratorium, sabi ng South China Sea branch ng China Coast Guard.

'Sila ang iligal'

Ayon sa PAMALAKAYA, sakop ng ban ang Paracel Islands at Panatag, na inaangkin din ng Pilipinas at Vietnam. Ayon sa 2016 Hague ruling, ang Panatag Shoal ay isang traditional fishing ground ng mga mangingisdang Pilipino, Vietnamese, Tsino, at iba pa.

"Ang lakas ng loob ng Tsina na akusahan ang mga mangingisdang Pilipino't Vietnamese gayong sila ang nagsasagawa ng malakihang iligal, unregulated at 'di inuulat na pangingisda sa mga dagat natin," dagdag ni Hicap.

Kakatuwa rin daw na ikinakatwiran ng Tsina na ginagawa nila ito para protektahan ang kalikasan gayong sila naman ang nakasisira nito buhat ng mga reclamation acitivites.

Inutil din daw ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kanilang trabaho lalo na't malinaw naman daw sa Republic Act 8550, o Fisheries Code of 1998, na sakop ng bansa ang exclusive economic zone at extended continental shelf.

Sinasaad din sa Section 124 kung aling ahensya ng gobyerno at dapat magpatupad ng batas kaugnay ng nasabing lugar:

"The law enforcement officers of the Department, the Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Philippine National Police (PNP), PNP-Maritime Command, law enforcement officers of the LGUs and other government enforcement agencies, are hereby authorized to enforce this Code and other fishery laws, rules and regulations."

"Matagal nang kinakaligtaan ng DA at BFAR ang tungkulin nila sa pagpapatupad ng fisheries law na dapat magproprotekta sa ating yamang dagat at trabaho ng mga mangingisda sa West Philippine Sea," dagdag ni Hicap.

Diplomatic protests kamakailan

Ika-22 ng Abril nang huling maghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa Beijing matapos manutok ng radar gun sa barko ng Philippine Navy at pagdedeklara ng ilang teritoryo ng Pilipinas bilang parte ng Hainan province.

Gayunpaman, sinabi ni Department of National Defense Secreary Delfin Lorenzana na "sinusubukan" ng ng Tsina ang kanilang radar gun noon, at bagama't tinuturing niya itong nakababastos.

Sa kabila ng lahat ng nangyayari, nananatili si Foreign Affairs Secreary Teodoro Locsin Jr. na hindi ginagamit ng Tsina ang isyu ng coronavirus disease (COVID-19) upang pagsamantalahan ang agawan sa teritoryo.

CHINA

PAMALAKAYA

SOUTH CHINA SEA

TERRITORIAL DISPUTE

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with