^

Bansa

Religious, work gatherings bawal pa rin sa mga GCQ areas — Malacañang

James Relativo - Philstar.com
Religious, work gatherings bawal pa rin sa mga GCQ areas — Malacañang
Makikita sa litratong ito ang pagsamba ng mga Muslim sa isang mosque.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Binawi ng gobyerno ang nauna nitong pahayag na tanggalin ang restriksyon sa ilang uri ng pagtitipon sa mga lugar na sakop ng "general community quarantine" kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

'Yan ang inilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes, sa kanilang virtual Laging Handa briefing na inere sa state-run PTV4.

"Alinsunod po sa mga reklamo na natanggap na nanggagaling po sa mga local official na imposible raw pong ma-implement yung social distancing sa religious meetings saka sa mga work gathering, nabago na po ang guidelines," ani Roque, na kasalukuyang nasa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases.

"Bumalik po tayo sa rules under [enhanced community quarantine]. Bawal pa rin po ang work gatherings, bawal pa rin po ang pagtitipon for religious activities. Maski po sa ilalim tayo ng GCQ."

 

 

Kahapon lang kasi nang sabihin ni Interior Secretary Eduardo Año na papayagan na ng IATF ang pagsamba at ilang essential work activities sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ, kung saan mas pinaluluwag ang mga panuntunan ng lockdown.

“Mass gatherings are still prohibited, except on what we call as relevant activities like in line of work and religious activities like mass, provided they maintain two-meter physical distancing, (mandate the) wearing of face masks or face shields. Of course, they will also be subjected to thermal scanning and hand sanitation,” ani Año.

Umiiral ang mga GCQ sa mga lugar na itinuturong may "low" o "moderate" na risk para sa virus.

(BASAHIN: General community quarantine to be implemented in moderate, low-risk areas)

Ayon kay Roque, pumayag naman na raw dito ang mga mayor na relihiyon sa Pilipinas tulad ng mga Kristiyano, Muslim, Protestante, Iglesia ni Kristo at iba pa.

"Sang-ayon naman po sila na kinakailangan pangalagaan muna ang mga kalusugan ng mga nananampalataya," banggit niya.

"Ang sabi po ng... governor ho ng Lanao, talagang imposible raw po ang social distancing kapag samba sa Muslim, lalo na po ngayong Hajj dahil shoulder to shoulder po talaga ang pagsasamba."

Tumutukoy ang Hajj sa religious pilgrimage patungo sa Mecca sa Saudi Arabia, na tumatagal nang mula lima hanggang anim na araw.

Aniya, marami naman na rin daw alternatibong maaaring gawin ang mga mananampalalataya sa ngayon lalo na't karamihan naman daw ay may access na sa internet, radyo, telebisyon.

Pwede rin daw na gamitin muna ang personal na komunikasyon at relasyon sa Panginoon sa panahon ngayon.

Sa huling tala ng Department of Health noong Huwebes, umabot na sa 8,488 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 568 na ang namamatay.

MASS GATHERINGS

NOVEL CORONAVIRUS

RELIGIOUS ACTIVITIES

WORSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with