Nailikas na OFWs nasa 19,466
MANILA, Philippines — Umabot na sa 19,466 overseas Filipino workers ang nailikas sa bansa simula ng magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Brigido Dulay, libu-libo pang OFWs ang nakatakdang ibalik sa bansa.
Mas dumami rin aniya ang nakabalik sa bansa buhat nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
Ayon pa kay Dulay, sa nasabing bilang, nasa 15,130 ang nakabalik sa seafarers na mula sa 75 cruise ships samantalang land-bases OFWs naman ang nasa 4,336.
Ang lahat ng mga nakabalik sa OFWs ay kinakailangang dumaan sa 14-araw na quarantine sa itinakdang pasilidad.
Idinagdag ni Dulay na ang mga seafarers na nanatili sa kanilang cruise ship na walang COVID ay itinuturing na rin na nag-quarantine.
- Latest