^

Bansa

PNP: 'Warning shot' hindi kailangan sa viral na pagbaril sa Marawi veteran

James Relativo - Philstar.com
PNP: 'Warning shot' hindi kailangan sa viral na pagbaril sa Marawi veteran
Pagtutok ng baril ng nagbabantay na pulis sa quarantine checkpoint kay Winston Ragos — dating sundalong may mental illness — bago paputukan nang dalawang beses.
Video grab mula sa Twitter

MANILA, Philippines — Hindi na raw kinailangang magpapautok ng "warning shot" sa nangyaring pamamaril ng isang retiradong sundalo sa Quezon City na sinita habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Philippine National Police.

Viral kasi ngayon ang video ng pamamaril ni PMSg Daniel Florendo kay Winston Ragos, isang dating sundalong nadestino sa Marawi, na sabi ng mga pulis ay huhugot daw ng baril sa bag.

"Sa pagkakataong iyon ay hindi naman kailangan ng warning shot at ginampanan ng ating pulis ang naaayon sa police operational procedure," sabi ni Police Brig. Gen. Bernard Banac, PNP spokeperson, sa panayam ng GMA News.

"Makikita natin na nagbigay siya ng verbal command, makailang beses siyang nagbigay ng warning subalit nagbigay pa rin ng mga provocative na mga galaw 'yung suspek."

Pinasinungalingan naman ng pamilya ni Ragos na may dalang baril ang napatay, at sinabing umiinda siya ng Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) at schizoprenia — ilang sakit sa pag-iisip.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, sinasabing nagbabantay ng Quarantine Control Point sina Florendo at apat na police trainees ng Highway Patrol group sa Barangay Pasong Putik nang lapitan ni Ragos ang dalawang trainee.

Aniya, sinabi ni Ragos ang sumusunod nina P/T Arnel Fontillas Jr. at at P/T Joy Flaviano: "Ang sama ng tingin mo. Anong problema mo?"

Bandang 2:30 p.m., nilapitan ni Florendo si Ragos at inutusang itaas ang kamay. Matagal nakatalikod si Ragos habang patagilid ang pagtaas ng mga braso.

Pinadadapa siya ngunit tinangkang kumuha ng kung anong bagay sa bag habang nakikipagtalo, dahilan para paputukan siya.

Sa video, nakatalikod si Ragos nang barilin nang ikalawang beses — bagay na kanyang ikinamatay. "Bakit niyo binaril sir? Dapat kinapkapan niyo muna!" sigaw ng isang babae sa video.

'Judgement call'

Depensa ni Banac, talagang may baril sa bag si Ragos: "And our police are strictly enforcing [Enhanced Community Quarantine] and the suspect likely took offense that he was being scolded by police."

Aniya, judgement call na raw ito batay sa nakita ng PNP na nasa panganib ang kanyang buhay.

"Under normal circumstances sana ay puwedeng gawin 'yun [pag-disable lang kay Ragos]... pero sa pagkakataong iyon, sa tingin ng ating pulis nasa panganib ang kaniyang buhay dahil sa kabila ng kaniyang repeated verbal command ay hinahamon pa ng suspek ang ating pulis," banggit ni Banac.

Ibinigay na sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District ang kaso.

Inutos naman na ng Philippine Army na imbestigahan ang pagkakapatay sa kanilang dating sundalo, na gagawin ng Army Judge Advocate.

Pagkundena sa insidente

Umani naman ng galit mula sa netizens at ilang grupo ang pagkakapatay kay Ragos, kahit mula sa Kaliwa.

"Hindi katanggap-tanggap ang nangyaring pagpatay ng pulis sa isang dating sundalo na may mental health issues sa Quezon City kahapon," sabi ni Renato Reyes Jr., secreary general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN).

"Hindi tama ang paggamit ng deadly force sa isang sinasabing quarantine violator. Disproportionate use of force."

Banggit pa ni Reyes, nangyari ito lalo na't ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "shoot them dead" order sa mga papalag sa panahon ng lockdown.

"Bakit tututukan ng baril ang isang diumano quarantine violator? Saang altuntunin nakalagay ito?"

Duda rin ang BAYAN na talagang may baril si Ragos lalo na't una pang isinakay sa baranggay vehicle ang bag kesa sa dating sundalo. Tinawag din niyang "tokhang style" ang nangyari.

Pati si dating Sen. Antonio Trillanes, na isang dating opisyal ng Philippine Navy, nagalit din nang husto sa inasal ng PNP sa insidente.

"[Tinutukan] ng baril, pinatalikod at pinataas ng kamay nung pulis? Dahil lang nag violate ng ECQ? Dyan pa lang sabit na kayo," sabi ni Trilannes.

Nangako naman ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa nangyari, lalo na't iba't ibang testimonya na ang naglalabasan.

"[T]here are different accounts of what transpired, including clashing narratives on whether the victim had a pistol in his sling bag, which the police claims as a sign of imminent danger, thus resulting to the shooting," sabi ni CHR spokespdrson Jacqualine Ann de Guia.

"[I]t was outlined that if the use of force and firearms is unavoidable, then authorities must practice restraint and act in proportion to the seriousness of the offence, mindful of minimizing damage and injury and with respect to the preservation of human life."

Ika-17 ng Abril nang sabihin ng United Nations Special Rapporteurs na maaari lang gumamit ng pwersang maaaring makapatay ngayong panahon ng coronavirus disease (COVID-19) kung talagang kinakailangan.

"Breaking a curfew, or any restriction on freedom of movement, cannot justify resorting to excessive use of force by the police; under no circumstances should it lead to the use of lethal force," sabi ng UN.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHOOTING INCIDENT

WINSTON RAGOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with