Pagbubukas ng klase posibleng Agosto na
MANILA, Philippines — Posibleng sa buwan na ng Agosto magbukas ang klase para sa School Year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd).
Ito’y dahil nananatili pa ring mapanganib para sa mga mag-aaral ang magbalik-klase na sa Hunyo dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 pandemic sa bansa.
Base sa konsultasyon, malaki aniya ang posibilidad na agosto na papasukin sa klase ang mga estudyante.
Isa aniya sa ikinukonsidera ng DepEd ay pagpapasok sa mga estudyante sa araw ng Sabado, o ang pagkakaroon ng 6-day school week, upang mabawi ang mga araw na walang pasok. Hindi naman aniya kinakailangang face-to-face classes ito, dahil maaari namang gawin ng mga estudyante ang kanilang gawain sa kanilang mga tahanan.
Kabilang rin aniya sa ikinukonsidera nila sa ngayon ang pagkakaroon ng lesson ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng telebisyon, radyo at teknolohiya.
- Latest