^

Bansa

Robot gagamitin vs COVID-19

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan - Susubukang gamitin sa Centralized Quarantine Facility ng Bulacan Medical Center o BMC ang mga RoviDoc o Robot Roving Doctor na naimbento ng mga propesor sa information techno­logy sa San Jose Del Monte Campus ng Bulacan State University o BulSU. Ipinaliwanag ni Jayson Victoriano, direktor ng Institute for Innovation in Business and Emerging Technologies ng BulSU-San Jose Del Monte, itong RoviDoc ay tutugon upang matiyak ang kaligtasan din ng mga doktor at nars na gumagamot sa mga may sakit na coronavirus disease o COVID-19.

Dinisenyo ito upang siyang direktang kumalinga at magbigay ng mga pangangailangan ng pasyenteng may COVID-19 na hindi na kailangang lapitan nang personal ng mga doktor o nars.

Kaya nitong asikasuhin ang health care service ng bawat pasyente, magbigay ng suplay ng gamot sa takdang araw at tamang oras at mabantayan ang kondisyon ng isang pasyente kung gumagaling o hindi.

Pwede rin nitong makita ang tunay na lagay ng isang pasyente sa pamamagitan ng nakakabit na RoviDoc Apps. 

vuukle comment

BMC

BULSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with