^

Bansa

Engkuwentro sa Sulu: 11 sundalo, 5 Sayyaf todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Engkuwentro sa Sulu: 11 sundalo, 5 Sayyaf todas
Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina 1st Lt. Rogelio Deligero Jr., Staff Sergeant Jason Gazzingan, Corporals John Manodom, Mark Dexter Montenegro, Rasul Ao-As, Ernesto Bautista Jr., Benson Bongguic, Jomel Pagulayan, Premark Vallecer, Jaydon Usman at Jomar Ninalga pawang ng Army’s 21st Infantry Battalion.
STAR/FIle

SULU, Philippines — Patay ang 11 sundalo at limang Abu Sayyaf habang 14 pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan sa umaatikabong bakbakan sa Sitio Bud Lubong, Brgy. Danag, Patikul, Sulu nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang  mga nasawing sundalo na sina 1st Lt. Rogelio Deligero Jr., Staff Sergeant Jason Gazzingan, Corporals John Manodom, Mark Dexter Montenegro, Rasul Ao-As, Ernesto Bautista Jr., Benson Bongguic, Jomel Pagulayan, Premark Vallecer, Jaydon Usman at Jomar Ninalga pawang ng Army’s 21st Infantry Battalion.

Kasalukuyan namang inaalam ang pagkakakilanlan ng limang Sayyaf.

Isinugod naman sa pagamutan ang 14 nasugatang mga sundalo.

“The entire Armed Forces of the Philippines mourns today  and our flags in all military camps around the country will be flown at half mast as 11 Army heroes offered their lives at past 3PM to protect and defend the people of Sulu,” pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo.

Bandang alas-3:05 ng hapon nitong Biyernes  habang nagsasagawa ng peace and stability operations Army’s 21st IB nang makasagupa ang nasa 40 bandido mula sa grupo nina Abu Commander Radullan Sahiron at Hatib Sawadjaan sa naturang lugar.

Tumagal ang bakbakan ng halos isang oras.

Nagawa namang matangay ng mga bandido ang anim na R4 rifles, isang K3 squad automatic weapon, isang R4 rifle na may nakakabit na 40 MM grenade launcher at isang handheld radio.

Ang mga nasawing sundalo at ang mga nasugatan ay inilipad na sa Zamboanga City sa himpilan ng AFP Westmincom sa Camp Navarro para sa kaukulang full military honors.

ABU SAYYAFF

JASON GAZZINGAN

ROGELIO DELIGERO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with