^

Bansa

Naayudahang mahihirap ng ‘Project Ugnayan’ umabot na sa 7.6 milyon

Pilipino Star Ngayon
Naayudahang mahihirap ng ‘Project Ugnayan’ umabot na sa 7.6 milyon
Pinangunahan ni Fr. Reynante Balilo ang pamamahagi ng P1,000 gift certificates sa Sto. Nino de Baseco, na isa sa pinakamalaking ‘urban poor communities’ sa Manila.

MANILA, Philippines — Umabot na sa 7.6 milyon ang bilang ng benepisyaryo o naayudahang mahihirap na pamilya ng ‘Project Ugna­yan,’ isang inisyatibang ‘fund-raising’ na itinatag ng mga kilalang business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) upang makatulong sa gobyerno sa krisis sa corona virus disease sa bansa.

Muling nagpasalamat si PDRF Co-Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala sa mga donor na tumulong para maging matagumpay ang proyekto.

Partikular niyang pinasalamatan ang mga Obispo, Caritas Manila, mga pari, volunteer at barangay captains na namahagi ng mga gift certificate sa mga lowest-income communities sa Metro Manila.

Sabi naman ni PDRF Co-Chairman Manuel V. Pangi­linan, nalantad sa unity in diversity na ipinamalas ng Project Ugnayan ang seryosong hangarin ng pribadong sector na “tulungan ang ating bansa na makabangon mula sa nawalang economic momentum na dulot ng pandemic. We are proud to be part of this extraordinary collaboration of industries which will prove most valuable in getting the economy back on track.”

Ang Project Damayan ng Caritas Manila na main distributor ng emergency cash sa pamamagitan ng P1,000 supermarket gift certificate ay umabot sa 1,070,854 pamilya o 5,354,270 indibidwal. Target nitong makapagdeliber ng mga gift certificate sa 1,366,495 pamilhya o 6,832,475 katao sa Miyerkules, April 15 na orihinal na petsa ng pagtatapos ng Enhanced Community Quaran­tine).

Kabilang sa mga donors ng Project Ugnayan ang Aboitiz Group, ABSCBN/First Gen, Cebuana Lhullier, Century Pacific, Concepcion Industrial, Consuelo “Chito” Madrigal Foundation, Inc., Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, JAKA Group 1, Jollibee, Mercury Drug Corporation, Metrobank, National Grid Corp of the Philippines, New World Hotel, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, One Meralco Foundation, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, Ramon S. Ang & Family, Shang Properties Inc, SM/BDO, Unilab, at Wilcon Depot.

PROJECT UGNAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with