Guess who's back: Harry Roque balik-spokesperson ni Duterte, sabi ng senador
MANILA, Philippines (Updated 12:59 p.m.) — Magbabalik bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Kabayan party-list Rep. Harry Roque, ayon sa isang senador na kilang dikit na dikit kay Digong.
'Yan ang ibinahagi ni Sen. Christopher "Bong" Go sa media, Lunes nang umaga.
JUST IN | Harry Roque to return as presidential spokesperson, says Senator Christopher Bong Go. @News5AKSYON @TV5manila @onenewsph
— JC Cosico (@JCCosico) April 13, 2020
Kinumpirma na rin ni Roque ang balita sa panayam ng Philstar.com: "Yes, confirmed."
"This p.m. after I deliver food to UPLB [magsisimula na ang trabaho ko bilang spokesperson]."
Aniya, bagama't si Roque na ang magsasalita sa ngalan ng kontrobersiyal na pangulo, mananatili pa rin bilang presidential legal counsel ang kasalukuyang presidential spokesperson na si Salvador Panelo.
"Malaki po ang tiwala niya kay Secretary Panelo. Maaring kailangan lang talaga niya sa panahong ito ng merong tagapagsalita, separate po na opisina," banggit ni Go sa mga reporters.
(May kaugnayan: 'Patok sa TikTok?': Ex-Duterte spokesperson todo-hataw sa dance video)
Bagama't hindi spokesperson ni Duterte si Go, madalas siya magpapaabot ng mensahe't saloobin ni Duterte kahit hindi pa ito nababanggit ni Panelo.
Kilalang nanilbihan si Go bilang special assistant to the president bago makasungkit ng pwesto sa Senado.
Isang abogado gaya ni Panelo, dati nang gumampan bilang tagapagsalita ng head of state si Roque.
Nangampanya noon sa pagkasenador para sa 2019 midterm elections si Roque ngunit umatras sa kandidatura dahil sa sakit na "unstable angina coronary disease." — may mga ulat mula sa News5
- Latest