Singil sa kuryente tataas ngayong Abril
MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Meralco ng 10 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril.
Ayon sa Meralco, ito’y dahil sa balik-normal na ang lebel ng Universal Charge.
Dahil sa dagdag-singil, ang dating electricity rates na P8.8901 kada kwh noong Marso, ay naging Abril P8.9951 kada kwh na ngayong Abril.
Katumbas na naturang dagdag-singil ay P21 na karagdagang bayarin para sa mga kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan; P31.50 sa 300 kwh; P42 sa 400 kwh at P63 sa 500 kwh kada buwan.
Bunsod naman ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), mayroon pa ring 30-day payment extension sa pagbabayad ng Meralco bill ang kanilang mga kostumer.
- Latest