Telemedicine inilunsad ng DOH
MANILA, Philippines — Upang mapaluwag ang mga pagamutan at agad na maserbisyuhan ang mga nais magpakonsulta, inilunsad ng Department of Health (COH) at National Privacy Commission (NPC) ang ‘telemedicine services’ na minamanduhan ng mga doktor para makausap ng mga pasyenteng may katanungan sa kanilang kalusugan.
Sa ilalim ng DOH-NPC Joint Memorandum Circular, magbibigay sila ng libreng medical consultation sa pamamagitan ng telepono, chat, short messaging service o text message, at iba pang plataporma tulad ng visual-teleconferencing.
Magbibigay rin ang mga doktor ng ‘electronic case report’ at maging mga electronic na reseta na maaaring i-print para makabili ng gamot.
Maaaring tumawag sa DOH COVID-19 Hotline 1555 at (02)894-26843 para sa libreng konsultasyon sa mga volunteer doctors mula sa Philippine College of Physicians at University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMC).
Nitong Abril 7, inumpisahan na ang telemedicine sa Metro Manila sa pamamagitan ng: Telimed Management and Medgate hotline- (02)8424-1724 at Globe Telehealth, Inc (KonsultaMD): (02) 7798-8000 (libre para sa Globe/TM users). Marami pa umanong partnership ang binubuo sa mga darating na araw.
Tiniyak ng DOH na lahat ng ikokonsulta sa Telemedicine ay confidential at nasa ilalim ng data privacy.
- Latest