^

Bansa

Forbes: Manny Villar pinakamadatung pa rin sa Pilipinas ngayong 2020

Philstar.com
Forbes: Manny Villar pinakamadatung pa rin sa Pilipinas ngayong 2020
Ito na ang ikalawang beses na na ideklarang pinakamayamang Pilipino si Manny Villar simula noong 2019.
File

MANILA, Philippines — Napanatili ng negosyante't dating senador na si Manuel Villar Jr. ang pwesto bilang pinakamarangyang tao sa bansa sa kalalabas lang na "Forbes Billionaires 2020" ng tanyag na magazine.

Ayon sa Forbes, may net worth na $5.6 bilyon ang 70-anyos na real estate tycoon, dahilan para siya ang maging ika-286 pinakamayamang tao sa mundo.

Ito na ang ikalawang beses na ideklarang pinakamayamang Pilipino si Manny Villar simula noong 2019.

Mister ni Sen. Cynthia Villar, na pinakamayamang senadora sa bansa, siya ang chairman ng Starmalls at Vista & Landscapes, na isa sa pinakamalalaking mall operators at nagtatayo ng bahay sa Pilipinas.

Sinundan naman siya ni Enrique Razon Jr., ika-565 na pinakamayaman sa mundo, na kilala sa industriya ng logistics.

Si Razon ang chair ng International Container Terminal Services (ICTSI), na leading terminal operator sa Pilipinas.

Matatandaang pinalitan ni Villar bilang pinakamayamang tao sa bansa ang yumaong businessman na si Henry Sy Sr., na nagtayo sa dambuhalang kumpanya na SM Group.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang kanyang mga anak at kamag-anak sa listahan: ikatlo sa listahan si Hans Sy ($2 bilyon), ikaapat si Herbert Sy ($2 bilyon), ikalima si Harley Sy ($1.9 bilyon, ikaanim si Henry Sy Jr. ($1.9 bilyon), ikawalo si Teresita Sy-Coson ($1.8 bilyon) habang ika-12 naman si Elizabeth Sy ($1.6 bilyon).

Ikapito naman sa listahan si Andrew Tan ($1.9 bilyon), chair ng Alliance Global, na nagpayaman sa pamamagitan ng kanyang malalaking apartment complexes sa paligid ng Maynila.

Nakuha naman ng 83-anyos na si Roberto Ongpin ($1.7 bilyon) ang ikasiyam na pwesto. Namumuno sa property developer na Alphaland, nagtatayo rin siya ng mga luxury villas sa Balesin Island, maliban sa isang paliparan malapit sa Patnanungan Island.

Sinarado naman ni Lucio Tan ($1.7 bilyon), founder at chairperson ng LT Group, ang top 10 list. Nag-aral bilang chemical engineer sa Far Eastern University, naglinis ng mga sahig si Tan upang makapagtapos ng pag-aaral.

Kasama rin sa listahan ng mga bilyunaryo ng Forbes sina Tony Tan Caktiong at kanyang pamilya ($1.7 bilyon), Ramon Ang ($1.4 bilyon), Robert Coyiuto Jr. ($1.4 bilyon) at Eduardo Cojuanco ($1 bilyon). — James Relativo

FORBES

MANNY VILLAR

RICHEST FILIPINOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with