^

Bansa

'Nasa hangin' lang ba ang COVID-19 gaya ng sabi ni Duterte?

James Relativo - Philstar.com
'Nasa hangin' lang ba ang COVID-19 gaya ng sabi ni Duterte?
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagtatalumpati kaugnay ng pagpapalawig ng Luzon-wide lockdown kagabi kontra COVID-19.
Video grab mula sa Youtube channel ng RTVMalacanang

MANILA, Philippines — Ginagamit na panakot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diumano'y pagtagal sa hangin ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2), ang virus na nagsasanhi ng coronavirus disease (COVID-19), bilang katwiran sa ipinatutupad na lockdown sa buong Luzon.

"I hope you were able to see the Japanese experts, science, paano ito mag-transmit," wika niya Lunes ng gabi. Aniya, "nasa hangin" lang daw ang virus kaya't madaling mahawa.

"Kung kaharap ka lang nang ganun dito, less than 10 feet away, then I sneeze, mag-hatsing ako, hatsing! Mag-ubo ako, tapos tiningnan nila sa infrared, pinatay nila ‘yung ano ‘yung ilaw tapos tiningnan nila.... Nakita... ko this morning early, paano lumilipad ‘yung — sumasama sa hangin. Kaya mag-mask kayo kasi ‘pag nahigop mo ‘yan... Eh lahat naman tayo humihinga."

Tinutukoy ni Duterte ang pag-aaral na ginawa sa isang dokumentaryo ng NHK World Japan, kung saan sinabi ni Kazuhiro Tateda, presidente ng Japanese Association for Infectious Disease, na naililipat sa pamamagitan ng paglanghap ng micro-droplets ang sakit — bagay na tumatagal diumano sa ere.

 

 

"Basta ang pang-kontra nito is stay home at huwag kang mahawaan because it's in the air. Nandiyan sa hangin eh," patuloy ng pangulo.

"You know lahat tatamaan nito. Kaya sa lahat ng bansa sa mundo isang order lang: pasok kayo sa bahay huwag kayong lumabas kung ayaw ninyong mahawa."

Pananaw ng WHO, DOH

Pero lehitimo ba ang mga kuda ng presidente tungkol sa transmission ng virus? Simple ang sagot diyan ng World Health Organization — wala itong katotohanan.

"COVID-19 is NOT airborne... The virus that causes COVID-19 is mainly transmitted through droplets generated when an infected person coughs, sneezes or speaks," sabi ng WHO sa Inggles noong ika-29 ng Marso.

"These droplets are too heavy to hang in the air. They quickly fall on floors or surfaces."

 

 

Maaaring makulong nang dalawang buwan at/o pagmultahin ng P10,000 hanggang P1 milyon ang mga mapapatunayang nagpapakalat ng "fake news" hinggil sa COVID-19 crisis, ayon sa "Bayanihan To Heal As One Act."

Sa isang paskil noong ika-29 ng Marso, sinabi ng WHO na mahahawa ka lang nito kung nasa isang metro lang ang layo mo sa taong may COVID-19.

Maaari ka rin daw tamaan ng virus kung hahawak ka ng kontaminadong bagay at biglang humawal sa mata, ilong o bibig bago maghugas ng kamay.

"In an analysis of 75,465 COVID-19 cases in China, airborne transmission was not reported," patuloy ng WHO.

Maari sa saradong hospital setting

Gayunpaman, sa konteksto ng COVID-19, sinabi ng WHO na posible lamang ang airborne transmission sa mga "napakaespisipikong sirkumstansya" kung saan gumagawa at gumagamit ng support treatments na nakalilikha ng mga "aerosol."

Ipinaliwanag din ni Department of Health Assistant Secretary na Maria Rosario Vergeire nangyayari lang sa saradong hospital setting ang ganoong klase ng airborne transmission.

"[I]-qualify po natin 'to para maintindihan po ng ating mga kababayan. Ito pong artikulong 'to ay tinutukoy nila [WHO] ay mga settings ng isang ospital," sabi ng DOH official.

"Katulad po ng lagi nating sinasabi no, sa atin pong ebidensya pa rin hanggang sa ngayon... ito pong sakit na COVID-19 is still transmitted through droplet infection and close contact. So 'yung airborne po na sinasabi, it's in a confined hospital setting."

Sa kabila nito, hindi pa rin magkasundo ang mga eksperto rito.

Sa isang preprint article, sinasabing nakakitaan ng SARS-CoV-2 particles ang hangin at surface samples na kinuha sa isolation rooms ng University of Nebraska Medical Center, kung saan tumutuloy ang COVID-19 positive patients.

Pero sa pag-aaral na inilabas sa Infection Control & Hospital Epidemiology, wala namang nakitang viral particles nang mangolekta ng air samples 10 centimeters mula sa baba ng walong air samples ng COVID-19 patients.

Micro-droplets?

Sa kabila ng lahat ng ito, lumalabas sa pag-aaral ng mga Hapon na "tumatagal sa hangin" ang mga micro-droplets, na mas maliit daw sa 10 micrometers na diameter.

Maging ang pagsasalita nang malakas daw ay nakakapag-generate din ng micro-droplets ang pagsasalita nang malakas.

"People around us inhale them, and that's how the virus spreads. We're beginning to see this risk now," sabi ni Kazuhiro Tateda.

Giit ng WHO, naipapasa lang ng respiratory droplets na mas malaki sa 5-10 micrometers ang respiratory infections.

Aniya, tanging sa mga "droplet nuclei" na may diameter na mas maliit sa 5 micrometers lang nangyayari ang airborne transmission: "particles <5µm in diameter, can remain in the air for long periods of time and be transmitted to others over distances greater than 1 m."

AIRBORNE

BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT

DEPARTMENT OF HEALTH

FACTCHECK

FAKE NEWS

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with