^

Bansa

10K kada araw target ma-COVID test

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
10K kada araw target ma-COVID test
Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa 3,000 muna kada araw ang kanilang magagawa na testing sa Abril 14 dahil sa ekspansyon ng kanilang testing protocols ngunit inaasahan na tataas ito hanggang 10,000 sa pagtatapos ng buwan.
Kena Betancur/Getty Images/AFP

MANILA, Philippines  — Target ng Department of Health (DOH) na  makapagsagawa ng mula 8,000 hanggang 10,000 coronavirus testing kada araw sa katapusan ng kasalukuyang buwan ng Abril.

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa 3,000 muna kada araw ang kanilang magagawa na testing sa Abril 14 dahil sa ekspansyon ng kanilang testing protocols ngunit inaasahan na tataas ito hanggang 10,000 sa pagtatapos ng buwan.

Ito ay dahil sa ‘targe­ted’ muna ang kanilang ikakasang mass testing o uunahin iyong mas mga nangangailangan na masuri gaya ng mga buntis, may mga health conditions at frontline health workers.

Mula nitong Enero na may kakayahan lamang silang makapag-test ng 300 samples, umakyat na ito ngayon sa 900-1,200 kada araw dahil sa pagbubukas ng mas maraming testing laboratories at pagdating ng mga kinakailangang testing kits.

Samantala, makaraan ang halos isang buwan ay naaprubahan na rin ng Food and Drugs Administration (FDA) ang testing kits na nilikha ng UP-National Institute of Health na higit na mas mura sa mga imported kits.

Handa na umano itong gamitin para mas lalong mapataas ang kapabilidad sa pagsusuri ng DOH laboratories.

DOH

MA. ROSARIO VERGEIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with