^

Bansa

Kasong ‘Fake News’ vs Cavite mayor hindi pa naisasampa

Pilipino Star Ngayon
Kasong ‘Fake News’ vs Cavite mayor hindi pa naisasampa
Ang paglilinaw ay ginawa matapos na maghain ng reklamo sa Cavite City Prosecutor’s Office ang grupo ni Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa umano’y COVID-19 fake news na nagmula kay Chua. Ayon sa report ng tanggap
Walter Bollozos/ File

CAVITE, Philippines — Nilinaw ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group na hanggang sa mga oras na ito ay wala pang naisasampang kaso sa korte laban kay Mayor Dino Chua ng Noveleta, Cavite.

Ang paglilinaw ay ginawa matapos na maghain ng reklamo sa Cavite City Prosecutor’s Office ang grupo ni Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa umano’y COVID-19  fake news na nagmula kay Chua.

Ayon sa report ng tanggapan ni BGen. Bernard M. Banac, Public Information Officer ng PNP, ang nasabing mga reklamo ay naisumite pa lamang sa Cavite City Prosecutor’s Office noong Marso 27, 2020.

Samantala, sinabi naman ni dating Presidential Spokesman at Atty. Harry Roque, abogado ni Chua, na ang reklamo ay mananatiling reklamo hanggang hindi pa ito naisasampa sa korte.

CYBER CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with