Pinoy sa abroad na may COVID umabot na sa 335
MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 335 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang mga bansa na nahawan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Kabilang dito ang apat na nasawi.
Sa pinakahuling bilang ng Department of Foreign Affairs (DFA), dalawa sa nasawi ay mula sa Europe, habang ang dalawa ay mula sa Asia Pacific at Gitnang Silangan/ rehiyon ng Africa.
Sa datos ng DFA, 111 dito ay gumaling at nailabas na sa ospita habang ang 220 ay patuloy na ginagamot.
Tinataya namang 30 bansa at rehiyon ang naiulat na may mga Pinoy na nagtataglay ng COVID-19.
Karamihan naman sa kaso ay nagmula sa Asia Pacific na may 173; Europe, 86 na kaso; at Middle East/Africa region na 47 kaso habang sa Amerika naman ay mayroong 29 kumpirmadong kaso ng nasabing virus.
- Latest