P1.5 bilyon para sa mahihirap nilikom ng business groups
Project Ugnayan laban sa COVID-19
MANILA, Philippines — Bilang tugon sa krisis sa novel coronavirus 2019 (COVID-19), lumikom ng P1.5 bilyon ang mga top business group para pondohan ang pamimigay ng mga grocery voucher sa mga mahihirap na residente sa Metro Manila.
Sa isang pahayag na ipinoste sa internet, target ng Project Ugnayan na mamigay ng P1,000 gift certificate sa one million household sa mga mahihirap na komunidad sa greater Manila area.
Alinsunod din sa panuntunan sa social distancing, ipapadala ang mga gift certificate nang door-to-door at makakabili sa pamamagitan nito ng mga pagkain sa mga grocery at supermarket, ayon pa sa pahayag.
Ang Project Ugnayan ay isang kolaborasyon ng mga business group sa pakikipagtulungan ng Philippine Disaster Resilience Foundation para matulungan ang mahihirap na mga pamilya na naapektuhan sa enhanced community quarantine sa kalakhang Maynila.
Kabilang sa mga business group na sumusuporta sa Project Ugnayan ang (in alphabetical order): Aboitiz Group, ABS-CBN/Lopez Group, Alliance Global/Megaworld, AY Foundation and RCBC, Ayala Corporation, Bench/Suyen Corp., Century Pacific, Concepcion Industrial Corp, DMCI, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug, Metrobank/GT Capital, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, San Miguel Corporation, at SM/BDO, Sunlife of Canada.
Sinabi pa ng grupo na meron na ring pakikipag-usap sa marami pang kumpanya na nagpahiwatig ng internsion na mag-ambag para mapalawak ang maaabot ng proyekto.
- Latest