Tricycle bawal - Palasyo
MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Malacañang sa mga local government units na bawal ang paggamit ng mga tricycle para isakay ang mga health workers habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.
Sinabi ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesperson Karlo Nograles na masyadong maliit ang tricycle at hindi masusunod ang social distancing o isang metrong pagitan ng driver at pasahero.
Ayon kay Nograles, maaring gamitin ng mga LGUs ang ibang uri ng sasakyan katulad ng jeep o multi-cabs.
Layunin ng pinaigting na community quarantine na mapanatili sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga mamamayan upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng mga may COVID-19.
Nilinaw din ni Nograles na hindi nila layunin na pahirapan ang mga mamamayan sa pagbabawal sa paggamit ng tricyle bagkus ay para protektahan ang lahat ng mamamayan.
Palace says tricycles are unsafe, urges LGUs to use other means of transportation
Related video:
- Latest