^

Bansa

200 iskolar ng Palayan City may trabaho sa Japan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May inisyal na 200 scholarship grants para ngayong taon ang available sa Rizal Memorial College (RMC) Nihonggo Language Center ang nakatakdang magtrabaho sa bansang Japan.

Dahil dito kaya hinikayat ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas ang mga residente ng Nueva Ecija na nagnanais kumita ng malaki sa Japan para sa trabahong caregiving na mag-aplay sa kanyang tanggapan sa Palayan City para sa mga naturang grants.

Sinabi ni Mayor Cuevas, ang caregivers ang isa sa mga ‘most in demand’ na trabaho ngayon sa Japan na may mala­king suweldo kaya naisipan nito ang pagbibigay Nihonggo scholar.

Noong Pebrero 28, apat na scholars ng kaniyang Nihonggo Language Training ang nagtungo na sa Japan para magtrabaho. Ngayong Marso, panibagong 10 scholars ang nakatakda na ring magtungo sa Japan.

Ang alkalde ay nagkaloob ng scholarship sa may 150 Palayanos at Novo Ecijanos para sa libreng Nihonggo training at JLPT fees. 

Ang Nihonggo scho­larship program ay magsisimula muli ngayong Marso sa Rizal Memorial College Language Center sa Palayan City Business Hub (PCBH).

Aniya, ang mga interesadong aplikante ay maaari ring magsumite ng resume sa Olga Ma­nuel sa PCBH.

PALAYAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with